Pumunta sa nilalaman

Walingwaling

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Euanthe sanderiana)

Euanthe sanderiana
Klasipikasyong pang-agham edit
Kaharian: Plantae
Klado: Tracheophytes
Klado: Angiosperms
Klado: Monocots
Orden: Asparagales
Pamilya: Orchidaceae
Sari: Vanda
Espesye:
V. sanderiana
Pangalang binomial
Vanda sanderiana
(Rchb.f.) Schltr. 1914
Kasingkahulugan

Ang Euanthe sanderiana ay isang bulaklak sa pamilya ng orkidya. Karaniwan itong kilala bilang Walingwaling[3] sa Pilipinas at tinatawag ding Euanthe ni Sander (Sander's Euanthe sa Ingles),[4] na hinango mula sa pangalan ni Henry Frederick Conrad Sander,[5] isang natatanging orkidolohista. Itinuturing ang orkidya bilang "Reyna ng mga bulaklak ng Pilipinas" at sinasamba bilang isang diwata ng mga katutubong taong Bagobo.[5]

Una at dating pinangalanan ni Heinrich Gustav Reichenbach ang Euanthe sanderiana bilang Vanda sanderiana.

Mayroon itong dalawang anyo, rosas at puti, na tinatawag ding alba. Natuklasan ni M. Roebelin ang orihinal na anyong rosas sa Pilipinas noong 1881 o 1882. Inihiwalay ni Rudolf Schlechter ang Euanthe mula sa Vanda noong 1914 dahil sa mga pagkakaiba ng kayarian ng mga bulaklak.[6] Para sa mga layunin ng pagpaparami at pagpapatala ng Royal Horticultural Society, itinuturing pa rin ito bilang isang Vanda.[7]

Endemiko ang Euanthe sanderiana sa Mindanao sa mga lalawigan ng Davao, Cotabato, at Zamboanga kung saan natatagpuan ito sa mga katawan ng dipterokarpang mga puno sa mga elebasyong nasa ibaba ng 500 mga metro. Dahil sa sobrang pagkukulekta, itinuturing na bihira sa kalikasan ang halaman.[2] Kalimitan itong ginagamit sa hibridisasyon.[8]

Ipinakita ng mga pag-aaral na kapag iniangat sa mataas na altura, maagang namumulaklak ang halaman.[9]

Noong 2004, nagkaroon ng pagkilos sa Kapulungan ng mga Kinatawan ng Pilipinas na ideklara ang "Walingwaling" bilang pambansang bulaklak ng bansa, na magiging kapalit para sa Sampagita.[10][11]

Ibang mga binhi

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ayon sa Philippine Orchid Society, isang samahang maka-orkidya sa Pilipinas na naglalaman ng larawan ng walingwaling sa kanilang logo, na may tatlong binhi o lahi ang uri:[12]

  • Vanda sanderiana var. albata Reichb. f. sa Gard. Chron. ser. 3.2 (1887) 9. Esmeralda Sanderiana var. albata Will
  • Vanda sanderiana var. froebeliana cogn. sa Dict. Icon. des. Orch.Vanda t. 12 a (1903)
  • Vanda sanderiana var. labello-viridi Linden & Rodigas sa Lindenia 1:85, t (1885) 40. Esmeralda sanderiana var. labello-viridi Will

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Vanda Sanderiana". Inarkibo mula sa orihinal noong 2013-12-30. Nakuha noong 2009-08-23.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. 2.0 2.1 "Vanda Sanderiana Culture". Nakuha noong 2009-08-23.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "Euanthe sanderiana(Waling-waling Orchid)". Nakuha noong 2009-08-23.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "Euanthe sanderiana [Rchb.f] Schlechter 1914". Nakuha noong 2009-08-23.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. 5.0 5.1 Tacio, Henrylito D. "Waling-Waling: Magnificent Yet Endangered". Nakuha noong 2009-08-26.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)[patay na link]
  6. "Plant of the Week 01/07/2002 Euanthe Sanderiana alba Schlechter". Inarkibo mula sa orihinal noong 2009-10-20. Nakuha noong 2009-08-23.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. "Vanda Sanderiana at Fender's Flora Orchids". Inarkibo mula sa orihinal noong 2009-08-23. Nakuha noong 2009-08-23.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. "Vanda sanderiana (plant)". Nakuha noong 2009-08-23.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. Ramasasa, Cris. "Waling-Waling Orchids Bears Flowers Early When Raised At High Altitude: Says Study". Nakuha noong 2008-03-19.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. "An Act Declaring the Walingwaling as the National Flower of the Philippines". Nakuha noong 2009-08-26.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)[patay na link]
  11. Palacio, Rose. "Davao solon files Waling-Waling bill". Nakuha noong 2009-08-26.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)[patay na link]
  12. "Vanda sanderiana". Inarkibo mula sa orihinal noong 2011-07-27. Nakuha noong 2008-08-27.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)