Pumunta sa nilalaman

Tinginan

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Eye contact)
Tinginan

Ang tinginan, pagtitinginan, pagtutugma ng mga mata, o tugmaan ng mata (Ingles: eye contact) ay ang pagtatagpo ng mga mata sa pagitan ng dalawang indibidwal.[1] Sa mga tao, ang pagtatagpo ng mata ay isang uri ng komunikasyong hindi binibigkas at iniisip na may isang malaking impluwensiya sa ugaling pangpakikipagkapwa. Maaari itong maging isang makahulugan at mahalagang tanda ng pagtitiwala at komunikasyong pangkapwa.[2] Ang mga kaugalian o gawi at kabuluhan ng pagtatagpo ng mga mata ay malawakang may pagkakaiba-iba sa pagitan ng mga kultura, na may kaibahang pangpananampalataya at panlipunan, na kadalasang nagpapabago nang malaki sa kahulugan nito. Ang pag-aaral ng pagtutugma ng mga mata ay tinatawag na okulesiks.[3]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Eye contact". Cambridge Advanced Learner's Dictionary. Nakuha noong Mayo 14, 2006.
  2. eye contact, dictionary.reference.com
  3. Krueger (2008), p. 6

Komunikasyon Ang lathalaing ito na tungkol sa Komunikasyon ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.