Faust
Si Faust ang bida ng isang klasikong alamat na Aleman. Isa siyang scholar na may matagumpay sa buhay nguinit hindi siya makontento kaya ito ay nagdulot sa kanya na gumawa ng kontrata sa demonyo, kapalit ng kanyang kaluluwa para sa walang hangganang kaalaman at makamundong mga luho. Ang alamat ni Faust ay naging basehan ng maraming mga pampanitikan, masining, pangsine at malamusikal na mga gawa at ikinwento sa iba't ibang pamaraan. Ang salitang Faust kapag ginagamit bilang pang-uri ay nagpapahiwatig ng isang sitwasyon kung saan ang isang maambisyosong tao ay sinuko ang kanyang moralidad para makukuha ng kapangyarihan at katagumpayan sa loob ng isang takdang oras.[1]
Ang Faust ng mga naunang libro—kasama na ang mga balad, drama, pelikula, at palabas na gumagamit ng papet, ay tuluyang sinusumpa dahil mas pinili niya ang makamundong kaalaman kaysa sa karunungan mula sa Diyos; "iniwan niya ang Bibliya sa likuran ng pinto at sa ilalim ng bangko, itinatanging tawagan siyang doktor ng Teolohiya, pero nais siyang bansagang isang doktor ng medisina".[1] Ang mga dula at palabas ng papet na nakabase sa alamat ay sikat sa Alemanya noong ika-16 ns siglo, madalas na ginagawang katuwaang ang mga karakter na sina Faust at Mephistopheles. Ang kuwento ay pinasikat ni Christopher Marlowe sa Inglatera na siyang nabigay na isang klasikong pagtrato sa kanyang dula na ang The Tragical History of Doctor Faustus (Tagalog: Ang Malatrahedyang Kasaysayan ni Doktor Faustus) noong 1604. Sa Bersyon ni Goethe sa kuwento matapos na dalwang daan taon, si Faust ay naging isang di makuntentong intelektwal na naghahanap ng mas higit pa sa "makamundong pagkain at inumin" sa kanyang buhay.
Buod ng kuwento
[baguhin | baguhin ang wikitext]Naiinip at nalulungkot si Faust sa kanyang buhay bilang scholar. Pagkatapos magtangka na bawiin ang sariling buhay, tinawag niya ang demonyo para sa mas maraming kaalaman at mahika upang lunurin ang sarili sa lahat ng mga luho at kaalaman ng mundo. Singot siya ng lumabas ang kinatawan ng demonyo na si Mephistopheles. Nakipagsundo siya kay Faust: Bibigyan ni Mephistopheles si Faust ng kapangyarihang gumawa ng mahika sa loob ng isang nakatakdang bilang ng taon, ngunit sa huli ng nakapagsunduhang oras, kukunin ng demonyo ang kaluluwa ni Faust, at si Faust ay habang-buhay na susumpahin. 24 na taon ang karaniwang haba ng nakatadang oras sa mga naunang bersyon ng kuwento; isang taon sa bawat oras sa isang araw.[kailangan ng sanggunian]
Sa loob ng oras ng kasunduhan, Ginamit ni Faust si Mephistopheles sa sari saring parahan. Sa maraming bersyon ng kuwento, partikular ang dula ni Goethe, tinulungan ni Mephistopheles si Faust na maakit ang isang maganda at inosenteng babae, madalas na pinapangalang named Gretchen, na tuluyang nasiraan ang buhay. Ngunit ang pagiging inosente ni Gretchen ay lumigtas sa kanya sa huli, at nakapasok siya sa langit. Sa bersyon ni Goethe, si Faust ay naligtas dulot ng biyaya ng Diyos dahil sa kanyang lubusang pasisikap kasama ng pakikiusap ni Gretchen sa Diyos sa anyo ng Walang Hanganang Pagkabae. Ngunit, sa unang berson ng kuwento, si Faust ay tuluyang na nakurakot at naniniwala na hindi na siya mapapatawad dahil sa kanyang mga pagkasala, sa huli dinala siya ng demonyo sa impyerno.
Mga Sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ 1.0 1.1 Walter Alison Phillips (1911). . Sa Chisholm, Hugh (pat.). Encyclopædia Britannica (sa wikang Ingles) (ika-11 (na) edisyon). Cambridge University Press.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)