Felching

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Jump to navigation Jump to search

Ang Felching ay isang katawagang Ingles para sa isang gawaing pampagtatalik kung saan ang isang tao ay sumusupsop o humihigop na pahitit ng semen o tamod o kaya iba pang mga pluwido magmula sa puki o butas ng puwit ng ibang tao. Kaya't matatawag din itong pagsupsop ng tamod mula sa puki o pagsupsop ng tamod mula sa butas ng puwit. Ang mga gawain ng pag-ut-ot ng semen at pagkaraan ay ipapasa ito mula sa bibig ng isang tao papunta sa pangatlong tao ay tinatawag na snowballing na may kahulugang "pagbobolang-niyebe" o "paggawa ng bolang niyebe". Subalit ang snowballing ay karaniwang may kaugnayan sa semen na nailabas sa loob ng bibig pagkaraang magsagawa ng pagsubo sa titi ng katalik o fellatio. Ang felching ay maaari ring mangahulugang paghimod ng dila o pagsupsop sa butas ng puwit ng ibang tao, na kahalintulad ng gawain na analingus.[1]. Ang felching ay isang uri ng pananamod.

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]