Pumunta sa nilalaman

Fenty Beauty

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Fenty Beauty LLC
FEИTY BEAUTY
IndustriyaPampaganda
Itinatag8 Setyembre 2017; 7 taon na'ng nakalipas (2017-09-08)
NagtatagRobyn Rihanna Fenty
Punong-tanggapan425 Market Street, 19th Floor,
San Francisco
,
California, Estados unidos
Pinaglilingkuran
Worldwide
Pangunahing tauhan
Rihanna (Founder, CEO, Owner),
Jahleel Weaver (Creative Director)
ProduktoCosmetics
May-ariRobyn Fenty (50%)
LVMH (50%)
Dami ng empleyado
200
MagulangKendo Holdings
LVMH
Fenty Corp
Websitefentybeauty.com

Ang Fenty Beauty (isinaysay bilang FEИTY BEAUTY) ay isang tatak ng kosmetiko ni Rihanna, na inilunsad noong 8 Setyembre 2017. Ang Pro Filt'R foundation nito ay naging high-demand sa unang paglabas dahil sa malawak nitong saklaw para sa iba't-ibang kulay ng balat. Apatnapung klase ng kulay ang kasama sa orihinal na paglunsad ng foundation, at mula noon ay lumawak ito sa limampu. Kasabay rin sa dami ng klase ng kulay ang Fenty Beauty concealer, na nag-aalok ng malawak na shade range para sa lahat ng uri ng balat.

Noong Hunyo 2013, naitaták ni Rihanna ang kanyang apelyidong Fenty, upang magamit sa iba't-ibang mga produkto. Ito ay humantong sa haka-hakang magsisimula siyang gumawa o maglunsad ng iba't-ibang mga produkto maliban sa musika. Kabilang sa mga bagong taták na ito ay ang Fenty Beauty.[1]

Inilunsad ni Rihanna ang Fenty Beauty noong 2017 noong siya ay dalawampu't-siyam na taong gulang. Dati na siyang nakipagsosyo sa MAC Cosmetics,[2][3] at naglabas na rin ito ng sampung pabango sa pamamagitan ng Parlux Ltd.,[4][5][6] ngunit ang kanyang unang solong cosmetics brand ay ang Fenty Beauty.[7] Binuo ni Rihanna ang linya kasama ang luxury conglomerate na Louis Vuitton Moët Hennessey (LVMH), na pumirma ng kasunduan noong 2016 para gawin ang Fenty Beauty sa pamamagitan ng Kendo division ng LVMH.[4] Isang "incubator company" ang Kendo Holdings Inc. na gumagawa ng mga kosmetiko bilang mga produktong may white-label na ibinebenta sa pamamagitan ng tingian ng mga kosmetiko na Sephora, isa ring subsidiary ng LVMH, pati na rin sa iba pang mga palabasan.[4][8] Iniulat ng Women's Wear Daily na maaaring nagbayad ang LVMH ng $10 milyon (USD) para sa kasunduan.[4]

Nilikha ni Rihanna ang Fenty Beauty para magbigay ng inklusibong hanay para sa lahat ng kulay ng balat, kabilang ang mga malawak na handog na lilim para sa mga taong may mas malalim ang kulay ng balat.[9]

Unang inilunsad at ibinenta ang mga produkto ng Fenty Beauty noong 8 Setyembre 2017, na siyang kasabay ng paglunsad ng kolaborasyon ni Rihanna sa Puma sa kasagsagan ng New York Fashion Week.[10] Sa Estados Unidos, inilunsad ang linya sa mga tindahan ng Sephora, sa websayt ng Sephora, at sa websayt ng Fenty Beauty. Sa Reyno Unido, eksklusibo ang Fenty Beauty sa mga almasen ng Harvey Nichols.[11]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Sharkey, Linda (8 Agosto 2014). "Rihanna trademarks her name for use on a clothing empire". The Independent (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 19 Pebrero 2018. Nakuha noong 5 Enero 2023.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Conti, Samantha; Naughton, Julie (20 Pebrero 2013). "MAC Joins Forces With Rihanna". Women's Wear Daily (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 28 Marso 2018. Nakuha noong 5 Enero 2023.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Univer, Eden (26 Setyembre 2013). "Rihanna's New MAC Line Hit Stores Today, and It's Already Flying off the Shelves". Teen Vogue (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 28 Marso 2018. Nakuha noong 5 Enero 2023.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. 4.0 4.1 4.2 4.3 Born, Pete (14 Abril 2016). "LVMH Signs Rihanna to Create a Makeup Brand". Women's Wear Daily (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 28 Marso 2018. Nakuha noong 5 Enero 2023.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "Rihanna Rogue perfume ad restricted due to 'sexually suggestive' image". The Guardian. Hunyo 4, 2014. Inarkibo mula sa orihinal noong Marso 27, 2018. Nakuha noong Marso 26, 2018.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. Bayley, Leanne (Nobyembre 13, 2014). "Rihanna unveils her first ever men's scent: Rogue Man". Glamour UK. Inarkibo mula sa orihinal noong Abril 5, 2019. Nakuha noong Marso 26, 2018.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. Friedman, Vanessa (6 Setyembre 2017). "Is It New York Fashion Week? Or Is It Rihanna Inc.?". The New York Times (sa wikang Ingles). ISSN 0362-4331. Inarkibo mula sa orihinal noong 28 Marso 2018. Nakuha noong 5 Enero 2023.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. "Home". Kendo (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 15 Marso 2018. Nakuha noong 5 Enero 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. "Fenty Beauty by Rihanna – About". Fenty Beauty (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 16 Abril 2018. Nakuha noong 7 Mayo 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. Bach, Natasha (8 Setyembre 2017). "Rihanna's New Fenty Beauty Line at Sephora Expands Her Business Empire". Fortune (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 27 Marso 2018. Nakuha noong 7 Mayo 2024.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. Scott, Ellen (21 Disyembre 2017). "Where to buy Rihanna's Fenty Beauty in time for Christmas". Metro. UK. Inarkibo mula sa orihinal noong 26 Marso 2018. Nakuha noong 26 Marso 2018.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Panlabas na kawing

[baguhin | baguhin ang wikitext]