Pumunta sa nilalaman

Salaping fiat

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Fiat money)
Ang papel de-bangko ng dinastiyang Yuan ay isang medyibal na uri ng perang fiat.

Ang salaping fiat o perang fiat (mula sa Latin: fīat; "hayaan maging") ay anumang pera na tinatanggap ng isang pamahalaan sa pagbabayad ng buwis o utang, ngunit hindi kaakibat sa o suportado ng ginto at iba pang mga mahahalagang bagay (walang pamantayang ginto ang mga fiat na sistema ng pera). Walang makabuluhang likas na halaga (intrinsic value) o halaga sa paggamit (use value) ang perang fiat (likas na pakinabang, di-gaya ng katad ng baka o beaver). Nakukuha ang halaga ng perang fiat para sa malawakang paggamit sa merkado at gobyerno; sumasang-ayon lamang ang mga partidong nakikipagpalitan sa relatibong halaga nito sa oras na iyon.[1] Isa itong modernong alternatibo sa perang kalakal at perang representatibo. Kumakatawan ang perang representatibo, di-gaya sa fiat, sa pag-angkin sa isang kalakal (na maaaring tubusin sa lalong malawakan o hindi).[2][3]

Unang ginamit ang perang fiat na papel de-bangko na inilabas ng pamahalaan noong ika-11 dantaon sa Tsina.[4] Nagsimulang mangibabaw ang perang fiat noong ika-20 dantaon. Mula noong desisyon ni Pangulong Nixon na ipaghiwalay ang dolyar ng Amerika mula sa ginto noong 1971, ginagamit ang isang sistema ng pambansang perang fiat sa buong mundo.

Ang perang fiat ay maaaring maging:

  • Anumang pera na idineklara ng isang pamahalaan na salaping umiiral (legal tender).[5]
  • Pera na inisyu ng estado na hindi mapapalitan sa bangko sentral patungo sa anupaman ni nakapirmi sa halaga man sa konteksto ng anumang makatuwirang pamantayan.[6]
  • Perang ginagamit dahil sa atas ng gobyerno.[2]
  • Isang bagay na hindi dapat mahalaga na nagsisilbi bilang daluyan ng palitan (medium of exchange)[7] (kilala rin bilang perang pidusyaryo o fiduciary money.)[8]

Nagmumula ang salitang fiat sa salitang Latin na fiat, na nangangahulugang "hayaan na matupad ito"[9] na ginagamit sa konteksto ng utos, atas[2] o resolusyon.[10]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Goldberg, Dror (2005). "Famous Myths of "Fiat Money"" [Mga Sikat na Katha-katha ng "Perang Fiat"]. Journal of Money, Credit and Banking (sa wikang Ingles). 37 (5): 957–967. doi:10.1353/mcb.2005.0052. JSTOR 3839155.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. 2.0 2.1 2.2 N. Gregory Mankiw (2014). Principles of Economics [Mga Prinsipyo ng Ekonomika] (sa wikang Ingles). p. 220. ISBN 978-1-285-16592-9. fiat money: money without intrinsic value that is used as money because of government decree{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Walsh, Carl E. (2003). Monetary Theory and Policy [Teorya at Patakaran ng Pera] (sa wikang Ingles). The MIT Press. ISBN 978-0-262-23231-9.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Peter Bernholz (2003). Monetary Regimes and Inflation: History, Economic and Political Relationships [Mga Rehimeng Pananalapi at Implasyon: Mga Relasyon sa Kasaysayan, Ekonomika, at Politika] (sa wikang Ingles). Edward Elgar Publishing. p. 53. ISBN 978-1-84376-155-6.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Montgomery Rollins (1917). Money and Investments [Pera at Pamumuhunan] (sa wikang Ingles). George Routledge & Sons. ISBN 9781358416323. Inarkibo mula sa orihinal noong Disyembre 27, 2016. Fiat Money. Money which a government declares shall be accepted as legal tender at its face value;{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. John Maynard Keynes (1965) [1930]. "1. The Classification of Money". A Treatise on Money [Isang Tratado sa Pera] (sa wikang Ingles). Bol. 1. Macmillan & Co Ltd. p. 7. Ang "Perang Fiat" ay Perang Representatibo (o makasagisag) (iyon ay, anuman mula sa likas na halaga ng materyal na sangkap na ipinaghiwalay mula sa halagang panlabas ng pera nito) – ngayon ay karaniwang gawa sa papel maliban sa mga maliliit na denominasyon – na inilikha at inisyu ng Estado, ngunit hindi mapapalitan ayon sa batas sa anuman maliban sa iyon mismo, at wala itong nakapirming halaga sa konteksto ng isang makatuwirang pamantayan. (Isinalin ang sipi mula sa Ingles){{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. Blume, Lawrence E; (Firm), Palgrave Macmillan; Durlauf, Steven N (2019). The new Palgrave dictionary of economics [Ang bagong diksyonaryong Palgrave ng ekonomika] (sa wikang Ingles). Palgrave Macmillan (Firm) (ika-Living Reference Work (na) edisyon). United Kingdom. ISBN 9781349951215. OCLC 968345651.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: location missing publisher (link)
  8. "The Four Different Types of Money - Quickonomics" [Ang Apat na Magkakaibang Uri ng Pera - Quickonomics]. Quickonomics (sa wikang Ingles). Setyembre 17, 2016. Inarkibo mula sa orihinal noong Pebrero 13, 2018. Nakuha noong Pebrero 12, 2018.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. Fiat is the third-person singular present active subjunctive of fiō ("I become", "I am made").
  10. Schueffel, Patrick (2017). The Concise Fintech Compendium [Ang Maigsing Kompendyo ng Fintech] (sa wikang Ingles). Fribourg: School of Management Fribourg/Switzerland. Inarkibo mula sa orihinal noong Oktubre 24, 2017. Nakuha noong Enero 8, 2018.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)