Bangko sentral
Ang isang bangko sentral ay isang pampublikong institusyon na namamahala sa salapi ng isang bansa, ang suplay nito, at ang mga antas ng patubo. Karaniwa'y may monopolyo ito sa pagtaas ng baseng pampananalapi ng isang bansa, at nangangasiwa rin ito sa sistemang pampananalapi nito, kasama ang regulasyon ng mga ordinaryong bangko. May kapangyarihan ding regulahin ang salaping umiiral (legal tender) para sa bansang iyon dahil sa kapangyarihan nitong magpalimbag ng pananalapi ng bansa. Halimbawa, sa Pilipinas, ang bangko sentral ay ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).
May responsibilidad ang bangko sentral para panatilihin ang katatagan ng sistemang pampananalapi ng isang bansa. Sa maraming bansa, nagsisilbi ang bangko sentral bilang kahuli-hulihang tagapag-utang sa mga bangko kapag mayroong krisis. Pinamamahalaan rin ng bangko sentral ang mga bangko upang maiwasan ang biglaang paglabas ng mga deposito kapag sumapit ang ganitong krisis.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Pananalapi ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.