Florida Atlantic University

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Jump to navigation Jump to search
Social Science Building, Boca Raton
Charles E. Schmidt College of Medicine, Boca Raton

Ang Florida Atlantic University (FAU o Florida Atlantic) ay isang pampublikong unibersidad sa Boca Raton, Florida, Estado Unidos, na may limang satelayt na kampus sa mga lungsod ng Dania Beach, Davie, Fort Lauderdale, Jupiter, at Fort Pierce sa estado ng Florida. Ang FAU ay kabilang sa 12-institusyong State University System ng Florida at nagsisilbi sa timog Florida, na mayroong higit sa limang milyong tao at sumasaklaw sa higit sa 100 milya (160 km) ng baybayin. Ang Florida Atlantic University ay inuri ng Carnegie Foundation bilang isang unibersidad sa pananaliksik na may mataas na aktibidad sa pananaliksik. Nag-aalok ang unibersidad ng higit sa 170 di-gradwado at gradwadong programa sa loob ng 10 kolehiyo. Ang mga programa ng pag-aaral ay sa mga larang ng sining at humanidades, agham, medisina, pagnanars, pagtutuos, negosyo, edukasyon, pampublikong administrasyon, gawaing panlipunan, arkitektura, inhenyeriya, at agham pangkompyuter.