Pumunta sa nilalaman

Pagtataya

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Forecasting)

Ang pagtataya (Ingles: forecasting) ay isang proseso ng paggawa ng prediksyon sa hinaharap batay sa datos ng nakaraan at kasalukuyan at pinakakaraniwan sa pagsusuri ng mga pagtakbo o trend. Maari ang karaniwang halimbawa ay ang pagtatantiya ng ilang baryante ng interes sa ilang hinaharap na petsa. Kapareho ito ng prediksyon, subalit mas pangkalahatang katawagan ito. Maaring tumukoy ang parehong katawagan sa pormal na kaparaanang pang-estadistika na gumagamit ng datos na serye ng oras (time-series), transbersales (cross-sectional) o longitudinal, o alternatiba sa mas di-gaanong pormal na kaparaanang mapanghusga. Maaring magkakaiba ang paggamit sa pagitan ng mga saklaw ng paglalapat: halimbawa, sa hidrolohiya, nakareserba minsan ang mga katawagang "pagtaya" at "pagatataya" para sa mga tantya ng mga halaga sa ilang partikular na panahon sa hinaharap, habang ang ginagamit ang katawagang "prediksyon" para sa mas pangkalahatang mga tantya, tulad ng ilang beses ng baha na mangyayari sa loob ng isang mahabang panahon.

Sentral sa pagtataya ang panganib at kawalan ng katiyakan; tinuturing ito sa pangkalahatan bilang mabuting kasanayan upang ipahiwatig ang antas ng kawalan ng katiyakan na ikakabit sa pagtaya. Sa anumang kaso, kailangang naisapanahon ang datos upang maging tumpak ang pagtaya hangga't maaari. Sa ilang mga kaso, ang datos na ginagamit upang hulaan ang baryante ng interes ay ang pagtaya mismo.[1]

Paraan sa pagtataya

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang pagtataya ay gumagamit ng kaalaman mula sa nakaraan upang maintindihan ang hinaharap. Sa iba’t ibang uri ng pinagkukunan ng basehan ng isang pagtaya, ay mayroong karampatang paraan ng pagtaya. Kaugnay dito, ang pagkakaiba-iba rin ng mga huwaran na ipinapakita ng lumang datos ay nakakaapekto rin sa pagbibigay ng depinisyon sa bawat paraan ng pagtataya.

  1. Mapanghusgang pagtataya – Ang paraan na ito ay ang pinakaginagamit na paraan sa ordinaryong pamumuhay. Ito ay hindi gumagamit ng numero bilang datos. Ang pinakabasehan ng paraan na ito ay ang "sentido komun" o "naipong kaalaman," kaya naman madali at mabilis itong gamitin.
  2. Pagtatayang batay sa serye ng oras o time-series – Ito ay gumagamit ng nakaraang datos na numero bilang basehan sa hinaharap. Ipinapalagay ng paraan na ito na ang mangyayari sa hinaharap ay katulad ng nangyari sa nakaraan. Ginagamit ang paraan na ito sa pamamagitan ng pagkuha ng mga lumang datos at pagkuha ng huwaran na sinusunod nito. Ang nakuhang huwaran ay gagamitin sa pagtaya, sa ilalim ng palagay na ang kalagayan sa hinaharap ay susunod din sa nakuhang huwaran.
  3. Pagtatayang nag-uugnay – Ito ay gumagamit ng pag-aaral ng mga bagay na maaaring makaapekto sa ineestimang kalagayan. Ang basehan ng paraan na ito ay ang mga bagay na napatunayang mayroong epekto sa ineestimang kalagayan. Ang pagtaya ay ginagawa sa pamamagitan ng pagtukoy sa relasyon ng mga nakakaapektong bagay sa ineestimang kalagayan at pagbuo ng ekwasyon ukol dito.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. French, Jordan (2017). "The time traveller's CAPM". Investment Analysts Journal. 46 (2): 81–96. doi:10.1080/10293523.2016.1255469.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)