Frances Perkins
Si Frances Perkins (ipinanganak na Fannie Coralie Perkins; Abril 10, 1880[1][2] – Mayo 14, 1965) ay ang Sekretarya ng Paggawa (U.S. Secretary of Labor) ng Estados Unidos mula 1933 hanggang 1945, ang pinakamatagal na naglingkod sa posisyong iyon, at ang unang babaeng naitalaga sa Gabinete ng Estados Unidos.[3] Bilang isang matapat na tagasuporta ng kaniyang kaibigang si Franklin D. Roosevelt, tumulong siya sa paghila ng kilusang manggagawa papunta sa koalisyon ng New Deal (Bagong Kasunduan). Tumulong siya sa pagpaplano ng lehislasyong New Deal. [3] Siya at ang Sekretaryo ng Interyor na si Harold L. Ickes ang tanging mga orihinal na mga kasapi sa gabinete ni Roosevelt na nanatili sa tungkulin para sa kaniyang pagkapangulo.
Sa loob ng panahon ng kaniyang pagiging Sekretarya ng Paggawa, itinaguyod ni Perkins ang maraming mga aspeto ng New Deal, kabilang na ang Civilian Conservation Corps, ang Public Works Administration at ang naging kapalit nitong Federal Works Agency, at bahagi na pangpaggawa (labor) ng National Industrial Recovery Act. Sa Social Security Act inilunsad niya ang mga benepisyo kung walang trabaho, mga pensiyon para sa maraming mga hindi nasasakop na matatanda nang mga Amerikano, at kagalingan (welfare) para sa pinakamahihirap na mga Amerikano. Itinulak niya na mabawasan ang mga aksidente sa mga lugar ng trabaho at tumulong sa paggawa ng mga batas laban sa mga pagpapahanapbuhay ng mga bata. Sa pamamagitan ng Batas sa mga Pamantayan ng Patas na Patrabaho (Fair Labor Standards Act), inilunsad niya ang unang mga batas hinggil sa pinakamababang pasahod (minimum wage) at pagpapahanabuhay na lampas na sa oras (overtime) para sa mga manggagawang Amerikano, at inilarawan ang pamantayang linggo ng pagtatrabaho na mayroong apatnapung oras. Binuo niya ang patakaran ng pamahalaan para sa pakikipagtulungan sa mga kilusan ng mga manggagawa upang maibsan ang mga welga (mga strike) sa pamamagitan ng United States Conciliation Service, tinanggihan ni Perkins na makalap ang kababaihan na maglingkod sa militar noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig upang makapasok sila sa mga manggagawang sibilyan na mayroong bilang na talagang maramihan.[4]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "Fannie Perkins". 1880 United States Census. FamilySearch.org. Inarkibo mula sa orihinal noong Septiyembre 26, 2011. Nakuha noong Hunyo 5, 2011.
; Birthplace: Ma; Age: 2 months; Head of Household: Fred Perkins; Relation: Daughter; Census Place: Boston, Suffolk, Massachusetts
{{cite web}}
: Check date values in:|archive-date=
(tulong) - ↑ "Volume 315, Page 132". Massachusetts Vital Records, 1841–1910. New England Historic Genealogical Society. Nakuha noong Hunyo 5, 2011.
Fannie Coralie Perkins; 1880; Boston, Suffolk Co., Massachusetts; Bith
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)(kailangan ang suskripsyon) - ↑ 3.0 3.1 Deverell, William at Deborah Gray White. United States History and New York History: Post-Civil War to the Present (Holt McDougal:2010), pahina R115.
- ↑ Downey, 2009, p. 337.