Pumunta sa nilalaman

Petrarca

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Francesco Petrarca)
Wangis ni Petrarca.

Si Francesco Petrarca o Petrarca lamang, kilala sa Ingles bilang Petrarch (1304-1374) ay isang Italianong dalubhasa o eskolar at makata. Nagbigay siya ng malaking impluwensiya sa panulaang Europeo mula sa ika-14 na daantaon.[1]

Bagaman mula sa Italia, palagiang nanirahan si Petrarca sa Francia. Sumulat siya ng mahigit sa 400 mga tulang karamihang nakatuon para sa isang babaeng may pangalang Laura. 366 ng mga ito ang nasa kalipunang Ang Aklat ng mga Awit (o “The Book of Songs”). Sa kainyang mga tula, nagtalaga siya ng mahigpit na mga panuntunan sa pagsulat ng tula, kabilang ang bilang ng mga linya o guhit na gagamitin.[1]

Nagsaliksik siya hinggil sa panulaang Latin ngunit ginamit din niyang huwaran si Dante Alighieri at nagsulat sa Wikang Italyano. Dahil kay Petrarca, muling natuklasan ang panulaan nina Romans_Livy at Cicero.[1]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 1.2 Firth, Lesley (Patnugot Panlahat) atbp. (1985). "Who was Petrarch?". Who Were They? The Simon & Schuster Color Illustrated Question & Answer Book. Little Simon Book, Simon & Schuster, Inc., Lungsod ng Bagong York, ISBN 0671604767.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.