Fraser Valley Regional District
Fraser Valley Regional District | |
---|---|
regional district in British Columbia | |
Mga koordinado: 49°35′00″N 121°49′59″W / 49.5833°N 121.833°W | |
Bansa | Canada |
Lokasyon | British Columbia, Canada |
Bahagi | Talaan
|
Populasyon (2016, Senso)[1] | |
• Kabuuan | 295,934 |
Websayt | https://www.fvrd.ca/ |
Ang Fraser Valley Regional District (FVRD) ay isang panrehiyong distrito sa British Columbia, Canada. Ang mga punong-himpilan ay matatagpuan sa lungsod ng Chilliwack. Ang FVRD ay may sukat na 13,361.74 km2 (5,159 sq mi). Ito ay nilikha nang pinagsama ang Fraser-Cheam Regional District at Central Fraser Valley Regional District sa ilang bahagi ng Dewdney-Alouette Regional District mula sa at kabilang ang Distrito ng Mission pasilangan.
Nakapaloob sa FVRD ang higit-kumulang silangang kalahati ng rehiyong Lower Mainland ng timog-kanluran BC, at hinagangganan ng Whatcom County, Washington sa timog, Metro Vancouver sa kanluran, at Okanagan-Similkameen Regional District sa silangan. Ang hilagang hangganan sa Squamish-Lillooet Regional District at Thompson-Nicola Regional District ay bandang timog ng mga bayan ng Skookumchuck Hot Springs at Lytton, ayon sa pagkakabanggit. Kasama rin dito ang mga unincorporated na pook sa hilaga ng Lungsod ng Pitt Meadows na dating bahagi ng Dewdney-Alouette Regional District na hindi nailipat sa Greater Vancouver Regional District nang ito ay pinalawak upang sakupin ang Pitt Meadows at Maple Ridge.