Pumunta sa nilalaman

Pagkakasunud-sunod na pagkakapanganak ng magkakapatid na mga lalaki at ang kanilang kamulatang seksuwal

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang isang ugnayan sa pagitan ng pagkakasunud-sunod na pagkakapanganak ng magkakapatid na mga lalaki at ang kanilang kamulatang seksuwal ay iminungkahing epektibong mapag-aaralan sa pamamagitan ng pananaliksik. Natukoy ni Ray Blanchard ang ugnayan at tinukoy ito bilang ang epekto ng pagkakasunud-sunod ng pagkakapanganak sa magkakapatid na mga lalaki. Na-obserbahan na kung mas maraming naka-tatandang kapatid na lalaki ang isang lalaki, mas malaki ang posibilidad na siya ay magdadaan sa isang homosekswal na orientasyon. Minsan ito ay tinatawag na epekto ng pag-kakaroon ng mas matandang kapatid na lalaki.

Batayan mula sa obserbasyon

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang epekto ng pagkakasunud-sunod na kapanganakan sa lalaki ay ang pinakamatibay na salik ng sekswal na orientasyon. Ayon sa ilang pag-aaral, bawat isa sa mga nakatatandang kapatid ay nakapagpapataas ng pagkakataong dumaan ang isang lalaki sa isang homosekswal na orientasyon na may 28-48% na posibilidad. Ang epekto ng pagkakasunud-sunod na kapanganakan sa lalaki ay tumatayang sanhi ng halos one seventh na pagkalat ng homosexuality sa mga lalaki.[1] Masasabing ito’y wala namang epekto sa sekswal na oryentasyon sa mga kababaihan, at wala ring epekto at kaugnayan sa kung ilan ang bilang ng nakatatandang kapatid na babae.

Ang epekto ng pagkakasunud-sunod na kapanganakan sa lalaki ay inobserbahan din sa mga lalaki-at-babae o ang tinatawag na magka-ibang kasarian o transsexuals: Ang MtF transsexuals na may sekswal na interes sa mga lalaki ay masasabing mas marami ang nakatatandang kapatid na lalaki kaysa sa MtF transsexuals na may sekswal na interes sa mga babae. Ito ay mga iniulat na halimbawa na nag-mula sa Canada,[2] United Kingdom [3] Netherlands [4] at Polynesia.[5]

Ang epektong ito ay matatagpuan kahit sa mga lalaki na hindi lumaki kasama ang kanilang totoong mga kapatid na lalaki, na nagmumungkahi ng sanhi-at-epekto ng pagkakaroon ng in-utero na kapaligiran.[6] Ang paliwanag sa sitwasyong ito ay mas pinaigting sa pag-sasagawa ng teorya patungkol sa maternal immune response.[7] Ang mga sanggol na lalaki ay naglalabas ng HY antigens na maaaring may kaugnayan sa sekswal na kaibahan ng ng mga tao. Ang iba pang mga pag-aaral ay may iminungkahing patungkol sa impluwensiya ng pagkakasunud-sunod na kapanganakan ay hindi dahil sa isang biolohikal, kung hindi sa isang panlipunang proseso.

Mga ideyang hindi sumusuporta/sumasang-ayon

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Sinabi nina Bearman at Brückner (2008) na ang mga pag-aaral na nagpapakita ng epekto ng pagkakasunud-sunod na kapanganakan sa lalaki ay walang kinalaman sa sekswal na orientasyon sa mga mag-kakapatid. Ang kanilang argumento na may pokus sa kambal na magkaiba ang kasarian, ay hindi nakahanap ng kaugnayan "sa atraksiyon sa pagitan ng dalawang taong parehas ang kasarian at sa bilang ng mas nakatatandang kapatid, babae man o lalaki”.[8] Ang isang pag-aaral ni Francis (2008), gamit ang Add Health survey, ay nagmumungkahing mahina ang kaugnayan ng atraksiyon sa pagitan ng lalaki at lalaki at sa pagkakaroon ng mahigit sa isang nakatatandang kapatid na lalaki (pero walang kahit anong kaugnayan sa pagitan ng male same-sex attraction at ang pagkakaroon ng mahigit sa isang nakatatandang kapatid na babae.) [9]

Mga naitalang teoriya patungkol sa sanhi

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ayon sa pag-aaral ni Anthony Bogaert, ang epekto ay hindi dahil sa nakalakhan ng isang lalaki kasama ang kanyang mga nakatatandang kapatid na lalaki, kung hindi ito ay may kinalaman sa pagbabago sa pangagatawan ng isang ina sa kanyang gestation period. An in-utero maternal immune response ay isa sa naitalang teorya sa epektong ito.[7] Ang epekto ay mabisa lumaki man o hindi ang lalaki sa parehas na family environment kasama ang mga nakatatandang kapatid na lalaki. Sinasabing walang epekto kapag ang bilang ng nakatatandang kapatid na lalaki ay naragdagan sa pamamagitan ng pag-ampon o sa pagkupkop sa kapatid sa ina o ama.

Ang epekto ng pagkakasunud-sunod na kapanganakan sa lalaki sa kanilang sekswal na orientasyon ay may kaugnayan sa handedness o sa posibilidad sa mas madalas na paggamit ng isang kamay kumpara sa isa na sa sitwasyong homosexuality na may matinding kaugnayan sa pagkakaroon ng mas maraming nakatatandang kapatid na lalaki ay makikita lamang sa mga right-handed males.[10]

Nagsagawa ng replikasyon si Bogaert (2006) ng epekto ng pagkakasunud-sunod na kapanganakan sa lalaki sa kanilang sekswal na orientasyon, sa isang sampol na kasama ang biolohikal na kapatid at ampon na kapatid.[6] Ang mga tunay o biolohikal na nakatatandang kapatid na lalaki lamang ang nakaka-impluwensiya sa kanilang sekswal na orientasyon, at wala naman ang mga ampon na kapatid. Pinaniwalaan ni Bogaert na ang kanyang pagsusuri ay nagmumungkahi ng prenatal origin sa epekto ng pagkakasunud-sunod na kapanganakan sa lalaki.

Ang published na artikulo ni McConaghy (2006) sa isang sosyolohikal na dyornal ay nagmumungkahing walang kaugnayan ang lakas ng epekto at digri ng homosexual feelings, homosexual identity o homosexual behavior, na nagpapatunay lamang na ang impluwensiya ng pagkakasunud-sunod na kapanganakan sa digri ng sekswal na orientasyon ay walang kinalaman sa biological reasons, kung hindi sa tinatawag na social process.[11]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Tiyak na mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Cantor JM, Blanchard R, Paterson AD, Bogaert AF (Pebrero 2002). "How many gay men owe their sexual orientation to fraternal birth order?". Arch Sex Behav 31 (1): 63–71. doi:10.1023/A:1014031201935. PMID 11910793.
  2. Blanchard R, Sheridan PM (1992). "Sibship size, sibling sex ratio, birth order, and parental age in homosexual and nonhomosexual gender dysphorics". Journal of Nervous and Mental Diseases 180: 40–7. doi:10.1097/00005053-199201000-00009.
  3. Green R (Hulyo 2000). "Birth order and ratio of brothers to sisters in transsexuals". Psychol Med 30 (4): 789–95. doi:10.1017/S0033291799001932. PMID 11037086.
  4. Blanchard R, Zucker KJ, Cohen-Kettenis PT, Gooren LJ, Bailey JM (Oktubre 1996). "Birth order and sibling sex ratio in two samples of Dutch gender-dysphoric homosexual males". Arch Sex Behav 25 (5): 495–514. doi:10.1007/BF02437544. PMID 8899142.
  5. Poasa KH, Blanchard R, Zucker KJ (2004). "Birth order in transgendered males from Polynesia: a quantitative study of Samoan fa'afāfine". J Sex Marital Ther 30 (1): 13–23. doi:10.1080/00926230490247110. PMID 14660290.
  6. 6.0 6.1 Bogaert AF (Hulyo 2006). "Biological versus nonbiological older brothers and men's sexual orientation". Proc. Natl. Acad. Sci. U.S.A. 103 (28): 10771–4. doi:10.1073/pnas.0511152103. PMC 1502306. PMID 16807297.
  7. 7.0 7.1 Blanchard R, Klassen P (Abril 1997). "H-Y antigen and homosexuality in men". J. Theor. Biol. 185 (3): 373–8. doi:10.1006/jtbi.1996.0315. PMID 9156085.
  8. Bearman, Peter; Brückner, Hannah (2002) (PDF). Opposite-sex twins and adolescent same-sex attraction. 107. American Journal of Sociology. pp. 1179–1205.
  9. Francis, Andrew M. (2008) (PDF). Family and sexual orientation: the family-demographic correlates of homosexuality in men and women. 45. Journal of Sex Research. pp. 371–377.
  10. Blanchard R, Cantor JM, Bogaert AF, Breedlove SM, Ellis L (Marso 2006). "Interaction of fraternal birth order and handedness in the development of male homosexuality". Horm Behav 49 (3): 405–14. doi:10.1016/j.yhbeh.2005.09.002. PMID 16246335.
  11. McConaghy N, Hadzi-Pavlovic D, Stevens C, Manicavasagar V, Buhrich N, Vollmer-Conna U (2006). "Fraternal birth order and ratio of heterosexual/homosexual feelings in women and men". J Homosex 51 (4): 161–74. doi:10.1300/J082v51n04_09. PMID 17135133.

Pangkalahatang mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]