Pumunta sa nilalaman

Frederick S. Brackett

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Si Frederick Sumner Brackett (Agosto 1, 1896 – Enero 28, 1988) ay isang Amerikanong pisiko at ispektroskopista.

Ipinanganak sa Claremont, California, nagtapos siya ng pag-aaral sa Kolehiyo ng Pomona at naghanapbuhay bilang isang obserbador sa Obserbatoryo ng Mount Wilson hanggang sa pagsapit ng 1920. Minatyagan niya ang radyasyong imprared ng Araw. Natanggap ni Bracket ang isang doktorado sa pisika mula sa Pamantasan ng Johns Hopkins noong 1922. Habang gumagamit ng isang tubong pangdiskarga na puno ng hidroheno, natuklasan niya ang seryeng Bracket ng hidroheno, kung saan ang elektron ay tumatalon pataas mula o bumabagsak paibaba papunta sa ikaapat na antas na pundamental, noong 1922. Bago lumipat sa area ng Washington noong 1927, nagturo siya ng pisika sa Pamantasan ng California, Berkeley. Sumali siya sa Fixed Nitrogen Lab ng Kagawaran ng Agrikultura noong 1927 at lumipat sa National Institute of Health (NIH) noong 1936 bilang direktor ng pananaliksik na pangbiyopisika.

Noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, pinangasiwaan niya ang isang programang pampananaliksik na pang-optika sa Hukbong-Katihan. Nataas siya ng ranggo upang maging tenyente koronel at nakatanggap ng Legion of Merit para sa kaniyang gawain. Nagbalik si Brackett sa NIH bilang hepe ng seksiyon ng potobiyolohiya. Nagretiro siya noong 1961.

Ang hukay sa buwan na nakikilala bilang Brackett ay ipinangalan para sa kaniya.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  • Frederick Sumner Brackett, An Examination of the Infra-Red Spectrum of the Sun, lambda 8900 - lambda 9900, Astrophysical Journal, bol. 53, (1921) p. 121; doi:10.1086/142589
  • Frederick Sumner Brackett, Visible and Infra-Red Radiation of Hydrogen; Ph.D. dissertation, Johns Hopkins University, 1922
  • Frederick Sumner Brackett, Visible and Infra-Red Radiation of Hydrogen; Astrophysical Journal, bol. 56, (1922) p. 154; doi:10.1086/142697
  • Frederick Sumner Brackett, Graphic correlation of radiation and biological data, City of Washington, The Smithsonian Institution, 1932, 1 p. l., 7 p. diagrs. 24½ cm
  • F. S. Brackett and Earl S. Johnston, The functions of radiation in the physiology of plants, City of Washington, Smithsonian Institution, 1932, 2 v. illus., plates, diagrs. 25 cm.
  • The present state of physics; a symposium presented on December 30, 1949 at the New York meeting of the American Association for the Advancement of Science. Arranged by Frederick S. Brackett. Freeport, N.Y., Books for Libraries Press [1970, c1954] vi, 265 p. illus. 24 cm. ISBN 0-8369-1542-9
  • Dr. John Andraos, Named Concepts in Chemistry (A-K), York University, 2001