Freeform

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Jump to navigation Jump to search

Ang Freeform ay isang himpilan sa telebisyon na kable at satelayt na mula sa Estados Unidos. Ito ay pag-mamay-ari ng dibisyon ng Disney-ABC Television Group ng The Walt Disney Company. Ang Freeform ay pangunahing nagsasahimpapawid ng mga programang nakatuon sa mga tinedyer at mga kabataan - na may ilang mga programa para sa mga kabataang babae - na may edad na 14-34, isang nilalayong na demograpiko na itinalaga ng himpilan bilang mga "becomer". Ang mga programa ng himpilang ito ay katulad ng sa FX at Sundance TV, na kinabibilangan ng mga kontemporaryong off-network syndicated rerun at orihinal na serye, mga tampok na pelikula, at mga orihinal na pelikula para sa telebisyon.