Friul-Venecia Julia
Friuli-Venezia Giulia | |||
---|---|---|---|
autonomous region with special statute | |||
| |||
Mga koordinado: 46°06′N 13°07′E / 46.1°N 13.12°E | |||
Bansa | Italya | ||
Lokasyon | Italya | ||
Itinatag | 1963 | ||
Kabisera | Trieste | ||
Bahagi | |||
Pamahalaan | |||
• president of Friuli-Venezia Giulia | Massimiliano Fedriga | ||
Lawak | |||
• Kabuuan | 7,862.3 km2 (3,035.7 milya kuwadrado) | ||
Populasyon (2019)[1] | |||
• Kabuuan | 1,215,220 | ||
• Kapal | 150/km2 (400/milya kuwadrado) | ||
Sona ng oras | UTC+01:00, UTC+02:00 | ||
Kodigo ng ISO 3166 | IT-36 | ||
Wika | Wikang Italyano, Wikang Friulian, Wikang Eslobeno, Wikang Aleman | ||
Websayt | https://www.regione.fvg.it/ |
Ang Friul-Venecia Julia o Friuli-Venezia Giulia ([friˈuːli veˈnɛttsja ˈdʒuːlja]; Hungaro: Furlánia–Júliai Velence, Aleman: Friaul–Julisch Venetien) ay isa sa mga 20 rehiyon ng Italya, at isa sa limang rehiyong nagsasarili na may natatanging batas. Ang kabesera ay Trieste.
Ang rehiyon ay tinatawag na Friûl Vignesie Julie sa Friulano, Furlanija Julijska krajina sa Eslobeno, at Friaul Julisch Venetien sa Aleman, tatlong wikang sinasalita sa rehiyon. Ang lungsod ng Venecia (Venezia sa Italyano) ay wala sa rehiyong ito, sa kabila ng pangalan.
Ang Friuli-Venezia Giulia ay may lawak na 7,924 square kilometre (3,059 mi kuw) at humigit-kumulang 1.2 milyong naninirahan. Isang natural na pagbubukas sa dagat para sa maraming bansa sa gitnang Europa, ang rehiyon ay dinadaanan ng mga pangunahing ruta ng transportasyon sa pagitan ng silangan at kanluran ng Katimugang Europa. Sinasaklaw nito ang historikal-heograpikal na rehiyon ng Friuli at isang maliit na bahagi ng makasaysayang rehiyon ng Venezia Giulia – kilala rin sa Ingles bilang Julian March – bawat isa ay may sariling natatanging kasaysayan, tradisyon, at pagkakakilanlan.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang lathalaing ito na tungkol sa Italya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.