GNU Lesser General Public License
Ang GNU Lesser General Public License (o LGPL) ay isang lisensyang inilathala ng Free Software Foundation (FSF) para sa malayang software. Pinapayagan ng lisensya ang mga debeloper at kumpanya na gamitin at isama ang isang sangkap ng software na inilabas sa ilalim ng LGPL sa kanilang sariling software (kahit na hindi malaya ) nang hindi kinakailangang sumunod sa mga tuntunin ng isang malakas na lisensyang copyleft upang ilathala ang source code ng kanilang sariling mga sangkap. Ngunit, ang anumang debeloper na nagbabago ng isang bahagi na sakop ng LGPL ay kinakailangang ilathala ang kanilang bersyon sa ilalim ng parehong lisensyang LGPL. Para sa hindi malayang software, ang code sa ilalim ng LGPL ay karaniwang nasa anyo ng isang shared library, upang magkaroon ng isang malinaw na paghihiwalay sa pagitan ng mga bahaging hindi malaya at bahaging LGPL. Kadalasang ginagamit ang LGPL para sa mga software library, pero ginagamit din ito ng ilang mga aplikasyong nag-iisa.