Gabbang
Ang Gabbang na pagmamay-ari ng Kontra Gapi | |
| idiyopono | |
|---|---|
| Ibang pangalan | saylopong kawayan, agung gabbang |
| Pag-uuring Hornbostel–Sachs | 111.212 |
Ang gabbang ay isang tradisyunal na saylopong kawayan na isa sa mga intrumentong pangmusika na ginagamit ng mga katutubong Tausug sa kapuluang Sulu sa pinakatimog ng Pilipinas. Bagaman may mga katulad na bersyon nito sa ibang pangkat-etniko gaya ng mga Sama-Bajau at Yakan, ang gabbang ng mga Tausug ay kinikilala dahil sa espesipikong konstruksyon nito at sa sentral na papel nito sa mga tradisyong panlipunan at pagsasalaysay.[1][2] Dagdag pa dito sa mga Tausug at mga Sama, karaniwang itong tinutugtog upang sabayan ang mga awit at sayaw na maaaring isahang instrumento o sinasabayan ng biyola.[3]
Hindi tulad ng mga instrumentong gawa sa tanso sa rehiyon na madalas iugnay sa mga pormal o sagradong ritwal, ang gabbang ay nagsisilbing instrumentong maraming gamit para sa sekular na libangan at pang-araw-araw na buhay.[2] Pinatutunog ito sa pamamagitan ng pagpukpok ng isang martilyong yari sa kahoy.[4]
Mga katangiang pisikal
[baguhin | baguhin ang wikitext]
Ang gabbang ay binubuo ng isang pangkat ng mga trapesoid na piraso ng kawayan na may magkakaibang haba na nakapatong sa isang resonador.[3] Ang bilang ng mga pirasong ito ay nag-iiba depende sa pangkat na gumawa nito: Sa mga Yakan, ang bilang ay naglalaro mula tatlo hanggang siyam na piraso, subalit ang karaniwang agung gabbang ay may lima; sa mga Tausug, ang bilang ay mula 14 hanggang 22, bagaman ang karaniwang gabbang ay may 12 piraso; at sa Palawan, ang karaniwang gabbang ay may lima.[5]
Pamamaraan sa pagtugtog
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang gabbang ay ang pinakamahalagang instrumento sa mga Tausug at maaari itong patugtugin ng lalaki o babae, na maaaring pagtugtugin ng solo o may kasamang mang-aawit, na puwedeng pamaparelaks o panlibangan, subalit ginagamit din tuwing may mga seremonyang panrelihiyon.[6] Ang gabbang, na isang saylopong kawayan, ay tinutugtog sa pamamagitan ng direktang paghampas sa mga tipak nito gamit ang mga kahoy na pamalo. Ang instrumentong ito ay tinutugtog gamit ang isang pares ng pampalo, habang ang isa pang tagatugtog ay maaaring tumuktok ng isang ritmikong huwaran sa gilid ng kahong resonador.[7][3]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Maceda, Jose (Setyembre 1999). Gongs and Bamboo: A Panorama of Philippine Music Instruments (sa wikang Ingles). University of Philippines Press. ISBN 9715421245.
- 1 2 Pugh- Kitingan, Jacqueline (2017-12-30). "From Gabbang To Gabang: The Diffusion And Transformation Of A Philippine Xylophone Among Indigenous Paitanic Communities Of Sabah, Malaysia". Borneo Research Journal (sa wikang Ingles). 11 (1): 106–117. doi:10.22452/brj.vol11no1.7.
- 1 2 3 Miller, Terry E.; Williams, Sean (2017) [First published 1998]. The Garland Encyclopedia of World Music: Southeast Asia (sa wikang Ingles). New York, NY: Routledge. ISBN 978-1-351-54420-7.
- ↑ ayap (2017-02-25). "The sound of (bamboo) music". Cebu Daily News (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2026-02-19.
- ↑ Dioquinio, Corazon (2008). "Philippine Bamboo Instruments". Humanities Diliman (sa wikang Ingles). 5 (1&2): 107. Inarkibo mula sa orihinal noong 2024-07-25. Nakuha noong 2026-02-19.
- ↑ Szanton, David L. "SULU STUDIES 2" (PDF). pssc.org.ph. Nakuha noong 2026-02-19.
- ↑ De Leon, Felipe M. "Yakan Sonic Textures: A Heritage of Musical Instruments". ICH Courier Online (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2019-08-06. Nakuha noong 6 Agosto 2019.