Pumunta sa nilalaman

Cesar Augusto

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Gaius Julius Caesar Octavian)
Cesar Augusto
Augustus Caesar
Emperador ng Imperyo Romano
Ang estatwa na kilala bilang Augusto ng Prima Porta, unang dantaon
PaghahariSetyembre 23, 63 BCEAgosto 19, 14 CE
PinaglibinganMausoleo ni Augusto, Roma
Konsorte kay(1) Clodia Pulchra 43–40 BC
(2) Scribonia 40–38 BC
(3) Livia Drusilla 38 BC–AD 14
SuplingJulia the Elder;
Gaius Caesar (adoptive);
Lucius Caesar (adoptive);
Tiberius (ampon)
AmaNatural: Gaius Octavius;
Adoptive: Julius Caesar (In 44 BC)
InaAtia Balba Caesonia

Si Cesar Augusto[1], Caesar Augustus, Augustus Caesar, o Imperator Caesar Divi filius Augustus (Setyembre 23, 63 BCEAgosto 19, 14 CE), ipinanganak Gajus Julius Caesar Octavianus Augustus at kilala bilang Octavianus sa mga mananalaysay sa unang bahagi ng kaniyang buhay bago mag-27 BCE, ay ang kauna-unahan at itinuturing na isa sa pinakamahalagang Emperador Romano (naging emperador sa Roma mula 30 BK hanggang 14 AD[1]), bagaman iminaliit niya ang kaniyang sariling posisyon sa pamamagitan ng pagpili ng kinaugaliang titulong oligarkiya na princeps, madalas sinasalin bilang “unang mamamayan”. Bagaman ipinanatili niya ang panlabas na anyo ng Republikang Romano, namuno siya bilang isang awtokrata nang higit 40 taon. Winakasan niya ang isang dantaon ng digmaang sibil at binigyan ang Roma ng isang kapanahunan ng kapayapaan, kasaganaan, at imperyal na kadakilaan. Ang kapayapaang ito ay tinaguriang Pax Romana o Kapayapaang Romano. Kahit man mayroon pa ring mga digmaan sa hangganan ng imperyo, ay isang digmaang sibil na naganap, ang rehiyong Mediterraneo ay naging payapa sa dalawang siglo. Pinalaki ni Augustus ang Imperyo Romano, sinigurado ang mga hangganan ng imperyo at nakipag-kasundo sa Parthia..

Sa kaniya ipinangalan ang buwan ng Agosto, at sinasabi ring ninuno niya ang maalamat na bayaning Aeneas ng epikang Aeneis ni Vergilius.[2]

Ang mga artikuo ay bahagi sa pag-aaral ng Sinaunang Roma at ang pagbagsak ng Republika.
Republikang Romano, Mark Antony, Cleopatra VII, Pagpatay kay Julius Caesar, Pompey, Theatre of Pompey, Cicero, Unang Triumvirate

Sa harap ng Senado na may kontrol sa panalapian, iniutos ni Augustus na ang mga buwis ng lalawigan sa Imperyo ay dapat dalhin sa Fiscus na pinamumunuan ng mga taong pinili at sumasagot lamang kay Augusto. Ang mga kita sa mga lalawigang senatorial ay patuloy na ipinadadala sa Aerarium na nasa ilalim ng superbisyon ng Senado. Dahil dito mas mayaman si Augusto kaysa Senado na mas magandang magbayad ng salarium (suweldo) sa mga lehiyonaryo upang seguradohin ang kanilang katapatan. Siniguro ito ng lalawagang imperyo ng Romanong Ehipto na napakayaman at pinakamahalagang supplier ng butil na pagkain sa buong imperyo. Ang pagdalaw ng mga senador sa probinsiyang ito ay ipinagbabawal dahil ipinalalagay na pansariling kaharian ito ng emperador. Nagbitiw si Augusto sa kanyang pagkakonsulado noong 23 BC nanatili ang kanyang puwestong imperium consular na humantong sa pangalawang kompromiso sa pagitan ni Augusto at ng Senado na tinawag na Pangalawang Pagkakaunawaan. Ginawaran si Augusto ng kapangyarihan ng isang tribunicia potestas kahit na walang titulo ngunit nagbigay sa kanya na tumawag ng miting ng Senado at bayan kailan nya naisin upang pag-usapan ang mga usaping ihaharap, i-veto ang mga aksiyon ng Asemblea o Senado, mamuno sa eleksiyon, at karapatang magsalita sa pagbubukas ng anumang miting. Kalakip sa tribunisyang autoridad ni Augusto ay mga kapangyarihang karaniwang reserbado sa censor Romano – kasama ang karapatang mag-supervise ng moralidad ng bayan at suriin ang mga batas upang siguradohing ito ay kapakanan ng publiko, gayundin ang magtakda ng census at tumiyak sa kasapian ng Senado. Walang tribunal sa Roma ang may katulad na kapangyarihang ito, at wala ring nakalipas na pangyayari sa loob ng sistemang Romano ang pagsasanib ng mga kapanyarihan tribunal at ng isang censor sa isang puwesto. Ni hindi nahalal sa Augusto sa tanggapan ng Censor. Hindi pa nababatid kung ang kapangyarihang censor na iginawad by Augusto ay bahagi ng kanyang tibunisyang autoridad o kanya lamang kinamkam ito.

Kasama sa autoridad tribunal, ginawaran din si Augusto ng kapangyarihang imperium sa loob ng lungsod ng Roma. Ang sandatahang lakas ng lungsod na dati ay nasa ilalim na kontrol ng prefecto ay ngayon ay nasa pag-iisang kapangyarihan ni Augusto. Dagdag dito, ginawaran si Augusto ng imperium proconsulare maius (kapangyarihan sa lahat ng prokonsulado), ang karapatang makialam sa alinmang probinsiya at pabulaan ang mga desisyon ng sinumang gobernador. Sa kapangyarihang maius imperium, si Augusto lamang ang taong makapaggagawad ng tagumpay sa isang matagumpay na heneral dahil sa lamang ang lider ng buong sandatahang lakas Romano.

Ang mga repormang ito ay kakaiba sa mata ng kaugalian ng republikang Romano dahil ang Senado ay hindi na binubuo ng mga aristokratikong republikano na may malakas na loob upang ipapatay ang Cesar. Marami sa mga senador ay namatay noong Digmaang Sibil at ang mga puno ng mga konserbatibong Republikano sa senado tulad nina Cato at Cicero ay malaon nang patay. Pinatalsik na ni Octavio ang mga natitirang pinaghihinalaang elemento sa Senado. Kanya na ring inilagay ang kanyang mga aristokratang kinatawan dito. Hindi pa rin nalalaman kung gaano kalaya ang Senado sa mga transaksiyon nito at anong mga patagong pag-aayon ang nangyari. Sa pagsubok napagsanggalang ang paligid ng imperyo sa mga ilog ng Danube at Elbe, iniutos ni Octavio na lusubin ang Illyria, Moesia, at Pannonia (timog ng Danube), at Germania (kanluran ng Elbe). Noong una, ang lahat ay ayon sa plano ngunit disastre ang sumunod. Ang mga tribo ng Illyrio ay nagsipag-alsa na kailangang lupigin. Ang tatlong sandatahang liga sa ilalim ni Publius Quinctilius Varus ay tinambangan at nilupig sa Labanan sa Kagubatan ng Teutoburgo noong 9 AD ng mga barbarong Aleman sa pamumuno ni Arminius. Maingat na binantayan ni Augusto ang buong teritoryo nito sa kanluran ng Rhine at nakuntento na lamang siyang gumanti sa pamamagitan ng panloloob. Ang ilog ng Rhine at Danube ang naging permanenteng hanggahan ng imperyong Romano sa timog.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 Abriol, Jose C. (2000). "Cesar Augusto". Ang Banal na Biblia, Natatanging Edisyon, Jubileo A.D. Paulines Publishing House/Daughters of St. Paul (Lungsod ng Pasay) ISBN 9715901077.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), talababa 78.
  2. "Aeneid". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. 1977.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
Cesar Augusto
Kapanganakan: 23 Setyembre 63 BC Kamatayan: 19 Agosto 14 AD
Mga tungkuling pampolitika
Sinundan:
Aulus Hirtius at Gaius Vibius Pansa Caetronianus
Consul (Suffect.) ng Republikang Romano
Quintus Pedius
43 BC
Susunod:
Marcus Aemilius Lepidus at Lucius Munatius Plancus
Sinundan:
Marcus Antonius at Lucius Scribonius Libo at Aemilius Lepidus Paullus (Suffect.)
Consul ng Republikang Romano
kasama si Lucius Volcatius Tullus
33 BC
Susunod:
Gnaeus Domitius Ahenobarbus and Gaius Sosius
Sinundan:
Gnaeus Domitius Ahenobarbus and Gaius Sosius
Consul ng Imperyong Romano
31 BC – 23 BC
Susunod:
Marcus Claudius Marcellus Aeserninus at Lucius Arruntius
Sinundan:
Decius Laelius Balbus and Gnaeus Antistius Vetus
Consul ng Imperyong Romano
5 BC
Susunod:
Gaius Calvisius Sabinus at Lucius Passienus Rufus
Sinundan:
Lucius Cornelius Lentulus at Marcus Valerius Messalla Messallinus
Consul ng Imperyong Romano
2 BC
Susunod:
Cossus Cornelius Lentulus at Lucius Calpurnius Piso
Sinundan:
Julius Caesar
Dinastiyang Hulio-Claudian
44 BC – AD 14
Susunod:
Tiberius
Sinundan:
Julius Caesar bilang Imperator ng Republikang Romano (45 BC)
Emperador ng Roma
27 BC – AD 14
Sinundan:
Marcus Aemilius Lepidus
Pontifex Maximus
12 BC – AD 14