Pumunta sa nilalaman

Gallus (genus)

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Gallus
Gallus gallus
tandang sa kaliwa, inahin sa kanan
Klasipikasyong pang-agham
Kaharian:
Kalapian:
Hati:
Orden:
Pamilya:
Sari:
Gallus

Brisson, 1766
Species
  • Gallus gallus
  • Gallus lafayetii
  • Gallus sonneratii
  • Gallus varius

Ang sari ng Gallus ay ang apat na nabubuhay na mga uri ng ibon ng pamilya Phasianidae. Sila ay matatagpuan sa India, Sri Lanka at Timog-silangang Asya.

Ang mga Gallus ay mga malalaking ibon kung saan ang mga lalaki ay may mga makukulay na mga balahibo. Subalit ang mga ito ay mahirap hanapin sa kanilang masukal na tirahan.

Tulad ng mga ibang ibon ng Phasianidae, ang mga makukulay na mga lalake ay hindi tumutulong sa pagkupkop ng mga itlog or pag-alaga ng mga batang precocial. Ang mga gawaing ito ay ginagampanan ng mga babae na malalam at naka-camouflage.

Ang Gallus ay kalimitang kumakain ng mga buto ng mga halaman ngunit maari rin silang kumain ng mga kulisap, lalo na ang mga batang ibon.

Ang Gallus gallus ay maaring ninuno ng manok subalit ang Gallus sonneratii ay maari ding isa sa mga ninuno nito.[1].

Ang saring Gallus ay makikita sa boung Eurosya noong pre-kasaysayan. Maari itong nag-evolve sa timog-silangang Europa. Maraming kusilba na mga uri ang nakita ngunit hindi lahat ay napatunayan:

  • Gallus aesculapii (Late Miocene/Early Pliocene sa Gresya) - maaaring napapabilang sa Pavo
  • Gallus moldovicus (Late Pliocene sa Moldavia) - sinusulat rin bilang moldavicus, maaring synonym ng Pavo bravardi
  • Gallus beremendensis (Late Pliocene/Early Pleistocene sa Silangang Europa)
  • Gallus karabachensis (Early Pleistocene sa Nagorno-Karabakh)
  • Gallus tamanensis (Early Pleistocene? sa Tangway ng Taman)
  • Gallus kudarensis (Early/Middle Pleistocene sa Kudaro, Timog Ossetia)
  • Gallus europaeus (Middle Pleistocene sa Italia)
  • Gallus sp. (Middle/Late Pleistocene sa Kuweba ng Trinka, Moldavia)
  • Gallus imereticus (Late Pleistocene sa Gvardjilas-Klde, Imeretia)
  • Gallus meschtscheriensis (Late Pleistocene sa Soungir, Rusya)
  • Gallus georgicus (Late Pleistocene - Early Holocene sa Georgia)
  • Gallus sp. (Late Pleistocene sa Kuweba ng Krivtcha, Ukraine)
  • Gallus sp. (Early Holocene sa rehiyon ng Dnieper)
  1. Eriksson J, Larson G, Gunnarsson U, Bed'hom B, Tixier-Boichard M, et al. (2008) Identification of the Yellow Skin Gene Reveals a Hybrid Origin of the Domestic Chicken. PLoS Genet January 23, 2008 [1] Naka-arkibo 2012-05-25 at Archive.is.