Pumunta sa nilalaman

Game Dev Tycoon

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Game Dev Tycoon
NaglathalaGreenheart Games
Nag-imprentaGreenheart Games
DisenyoPatrick Klug
Daniel Klug
MusikaAlexander Lisenkov
Jack White
PlatapormaMicrosoft Windows, Windows RT, Mac OS X, Linux, iOS, Android[1]
Release
  • WW: Disyembre 10, 2012
DyanraBusiness simulation
ModeSingle player

Ang Game Dev Tycoon ay isang larong business simulation na ginawa ng Greenheart Games, na unang ipinalabas noong ika-10 ng Disyembre 2012.[2] Sa larong ito, ang manlalaro ay inatasan na mag-isip at bumuo ng sarili nitong mga laro. Ang Game Dev Tycoon ay base sa iOS at Android game na Game Dev Story,[3] na ginawa naman ng Kairosoft, at maraming mga kritiko ang nakakita ng pagkakapareho sa dalawang laro. Ang Game Dev Tycoon ay ginawa ng Greenheart Games, isang kompanya na itinatag noong Hulyo 2012 ng magkakapatid na sina Patrick at Daniel Klug.

Kontra-pamimirata

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Gumawa ng isang kakaibang hakbang ang mga developer ng Game Dev Tycoon upang masupil ang pamimirata ng nasabing laro. Dahil sa inaasahang malawakang pagto-torrent sa oras na ilabas nila ang laro, si Patrick Klug, tagapagtatag ng Greenheart Games, ay sadyang naglabas ng cracked version at ibinahagi ito sa mga torrent sites. Ang laro ay parehong-pareho sa orihinal na bersyon ngunit may isang pagkakaiba, habang patuloy sa pag-usad ang manlalaro, siya ay makakatanggap ng isang mensahe:

Boss, it seems that while many players play our new game, they steal it by downloading a cracked version rather than buying it legally. If players don’t buy the games they like, we will sooner or later go bankrupt.

— Greenheart Games, Game Dev Tycoon (Orihinal)

Boss, mukhang marami ang naglalaro sa bago nating laro, pero ninanakaw naman nila gamit ang cracked version imbes na bilhin ito nang tama. Kung hindi nila bibilhin ang mga larong gusto nila, mauubusan tayo ng kita at malulugi.

— Greenheart Games, Game Dev Tycoon (Pagsasalin sa Tagalog)

Sa huli, ang mga manlalaro na gumamit ng cracked version ay malulugi, sa kadahilanan ng pamimirata.[4] Ang news site na Ars Technica ay nag-ulat na iilan sa mga manlalaro ay nagreklamo sa mga forums patungkol sa tampok na pamimirata, nang walang kamuwang-muwang na nandoon iyon dahil sila mismo ay pinirata ang laro.[5]

Ang manlalaro ay magsisimula sa isang garahe sa dekada 80 o ang Golden age of arcade video games nang walang empleyado, limitadong salapi, at limitadong pagpipilian para sa unang laro. Sa paggawa ng mga laro, mga panibagong pagpipilian ay maa-unlock. Kapag nagawa na ang pinakaunang game engine, madadagdagan ang kasanayan ng manlalaro. Ipapalabas din ang mga bagong consoles, at ang manlalaro ay magkakaroon ng kakayahan na bumili ng lisensya para sa mga nais nitong consoles, tulad ng GS, PlaySystem, mBox, at grPad na parody ng mga tunay na consoles at devices dahil sa umiiral na regulasyon sa trademarks. Habang patuloy na umuusad ang manlalaro, magkakaroon sila ng oportunidad na lumipat sa panibagong mga opisina at magkaroon ng mga empleyado. Pwede pa silang umusad sa pamamagitan ng paggawa ng isang R&D lab at mga MMOs at ng isang online game shop tulad ng Steam, Uplay, App Store etc. Maaari rin na gumawa ang manlalaro ng sarili nitong hardware lab sa paggawa ng mga consoles at devices.

Nakatanggap ng iba't-ibang mga review ang Game Dev Tycoon sa una nitong paglabas. Ang Metacritic, na nagbibigay ng weighted average score out of 100 sa mga reviews mula sa mga sikat na kritiko, ay nagbigay ng score na 68 base sa 21 reviews, nagpapahiwatig ng "halo o karaniwang mga review".[6] Bukod sa halong mga review sa Metacritic, sa Steam Community naman, nakatanggap ang laro ng 95%, base sa higit 20000 na reviews. Ang laro ay binigyan ng "Overwhelmingly Positive" na marka sa sarili nitong Steam page.[7]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Game Dev Tycoon combines gaming with business on Android for $4.99". Android Authority. Nakuha noong 2018-02-03.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Game Dev Tycoon Changelog". Greenheart Games. Nakuha noong 2013-05-30.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "About Greenheart Games". Greenheart Games. Nakuha noong 2013-12-28.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "Australian Game Developer Trolls Internet Pirates". Aussie-gamer.com. 2013-04-30. Inarkibo mula sa orihinal noong 2013-12-14. Nakuha noong 2013-12-14. {{cite web}}: Unknown parameter |deadurl= ignored (|url-status= suggested) (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Orland, Kyle (29 Abril 2013). "Game Dev Tycoon developers give pirates a taste of their own medicine". Ars Technica. Nakuha noong 17 Nobyembre 2016.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. "Game Dev Tycoon". Metacritic. Nakuha noong Agosto 22, 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. "Game Dev Tycoon on Steam". Steam. Nakuha noong Marso 12, 2016.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Mga kawing panlabas

[baguhin | baguhin ang wikitext]