Gameto
Ang artikulong ito, pahina, o bahagi nito ay kasalukuyang nasa gitna ng pagpapalawig o malawakang pagbabago. Maaari ka ring tumulong sa pagsasagawa ng mga pagbabago. Pakisilip ang mga nakaraang pagbabago kung gusto mong makipag-usap sa user na naglagay nito rito. Maaari itong tanggalin kung walang naganap na mga pagbabago sa mga susunod na araw matapos itong ipaskil dito. Maliban kung walang mga pagbabago, hindi dapat ito burahin. |
Ang gameto (Ingles: gamete), na maaaring katumbas ng punla o binhi, ay isang selulang kaakbay na sumasanib sa isa pang kaakbay na selula o gameto sa panahon ng pertilisasyon (konsepsyon) sa mga organismong nagpaparami sa paraang seksuwal (reproduksiyong seksuwal). Ang mga gameto ay mga selulang reproduktibo ng isang organismo, na tinatawag ding mga selulang pangkasarian. Ang mga gameto ay nililikha ng mga selulang lithayop o selulang binhi (germ cell).
Sa mga uri o espesyeng na gumagawa ng mga tipo o uri ng mga gametong may pagkakaiba sa morpolohiya, at kung saan ang bawat isang indibiduwal ay nakakagagawa lamang ng isang tipo o uri, ang babae ay ang sinuman o anumang indibiduwal na nakagagawa ng mas malaking uri ng gametong tinatawag na obum o itlog; at ang lalaki ang gumagawa ng mas maliit na uring tinatawag na ispermatosoon o sihay na esperma.
Ang pangalang gamete ay ipinakilala ni Gregor Mendel, isang biyologong taga-Austriya.
Ebolusyon
[baguhin | baguhin ang wikitext]Dalawang bilyong taon na ang nakalilipas, naganap ang sekswal na reproduksiyon sa organismo nang wala pang kasariang lalaki at babae. Ang sekswal na reproduksiyon ay pangunahing nangyayari —hindi sa pagsasanib ng gameto na magkaiba sa laki at anyo (tulad ng isperma at itlog)— kundi sa pamamagitan ng pagsasanib ng gameto na pantay ang laki. Ang ganitong uri ng reproduksiyon ay tinatawag na isogamiya (iso = pantay; gamos = pagsasama).[1]
Ang isogamiya ay karaniwang matatagpuan sa mga uniselular na organismo (mga organismong binubuo lamang ng isang selula), gayundin sa ilang uri ng multiselular na lumot, at halamang-singaw.[2] Sa prosesong ito, pareho at pantay ang ambag ng dalawang magulang ng kanilang henetikong materyal at mga yamang kailangan ng nabubuong sigoto.[3] Sa isogamong reproduksyon na nangyayari sa mga organismo gaya ng lumot, ang mga gameto ay inilalabas sa dagat. Doon sila nagkikita at nagsasama, hanggang magdikit at magsanib ang kanilang mga nukleo upang makabuo ng bagong sigoto.[4]
Sa loob ng daan-daang milyong taon, patuloy na nagbago at naging mas komplikado ang mga eukaryota. Habang dumarami ang kanilang mga selula, lumalaki din ang sukat ng katawan nila. Dahil dito, kailangan maglaan ng mas maraming mga yaman para sa bawat nabubuong sigoto (o pertisilasadong selulang itlog) upang masuportahan ang kanilang pag-unlad.[5] Ngunit, upang mapanatiling mabilis at maraming nangyayaring pagsasanib, may ibang gamete na lumiit at dumami.
Naging pabor sa likas na pagpili ang dalawang magkaibang gameto —malaki at konti (para sa mas maraming yaman), maliit at marami (para sa mabilis at madaming pagsasanib). Ang mga gameto na nasa gitna ng laki at dami ay nawala, kaya't naiwan ang dalawang optimal na uri. Dito nagsimula ang pagkakaroon ng dalawang kasarian: babae at lalaki, o ang pagdadalubhasa ng gameto sa dalawang anyo.
Ang sistemang ng dalawang uri ng gameto na magkaiba ang laki at anyo, kung saan hindi pantay ang ambag ng mga magulang ng kanilang mga sangkap para sa sigoto, ay tinatawag na anisogamy (aniso = hindi pantay; gamos = pagsasama). Kapag ang mga gameto ay naging sobrang magkaiba ang laki dahil sa disruptive selection, halos hindi na ito kayang ibalik sa dati. Upang mapabalik ito sa dating estado, kailangang may maganap na pambihirang mga pagbabago—tulad ng pagbabalik sa simpleng antas ng organismo. [6]
Ang pagpili ng kalikasan para sa dalawang uri ng gameto (at kaya, dalawang kasarian), ay “halos di-maiiwasan” sa sekswal na reproduksyon ng karamihan sa mga halaman at hayop, dahil ito ang pinakaepektibong paraan upang magparami nang matagumpay. [7]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Kirk, David L. (2006-12-19). "Oogamy: inventing the sexes". Current biology: CB. 16 (24): R1028–1030. doi:10.1016/j.cub.2006.11.015. ISSN 0960-9822. PMID 17174908.
- ↑ Kirk, David L. (2006-12-19). "Oogamy: inventing the sexes". Current biology: CB. 16 (24): R1028–1030. doi:10.1016/j.cub.2006.11.015. ISSN 0960-9822. PMID 17174908.
- ↑ Lehtonen, Jussi; Kokko, Hanna; Parker, Geoff A. (2016-10-19). "What do isogamous organisms teach us about sex and the two sexes?". Philosophical Transactions of the Royal Society B: Biological Sciences. 371 (1706): 20150532. doi:10.1098/rstb.2015.0532. ISSN 0962-8436.
- ↑ Gaulin, André (2016). "Lepage, Lawrence. Le Temps. [Sainte-Mélanie, Qc], La Prûche [sic] libre productions, 2012, DC Mélisande. Les Métamorphoses. Ibid., 2014, DC La Cantinière. La Différence. Ibid., 2013, DC Barbo. Résistance. Ibid., 2013, DC Yves Lambert Trio. Trio. Ibid., 2012, DC". Rabaska: Revue d'ethnologie de l'Amérique française. 14: 287. doi:10.7202/1037489ar. ISSN 1703-7433.
- ↑ da Silva, Jack (2017-11-26). "The evolution of sexes: A specific test of the disruptive selection theory". Ecology and Evolution. 8 (1): 207–219. doi:10.1002/ece3.3656. ISSN 2045-7758.
- ↑ Lehtonen, Jussi; Parker, Geoff A. (2014-10-16). "Gamete competition, gamete limitation, and the evolution of the two sexes". MHR: Basic science of reproductive medicine. 20 (12): 1161–1168. doi:10.1093/molehr/gau068. ISSN 1460-2407.
- ↑ Lehtonen, Jussi; Parker, Geoff A. (2025), "Optimality Theory", Reference Module in Life Sciences, Elsevier, ISBN 978-0-12-809633-8, nakuha noong 2025-08-09
Ang lathalaing ito na tungkol sa Anatomiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.