Pumunta sa nilalaman

Sinag gamma

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Gamma-ray)

Ang mga silahis gamma, tinatawag ding sinag gamma, aninag gamma, banaag gamma, liwayway gamma, alinagnag gamma, bakas-rayang gamma, o rayos gamma (Ingles: gamma ray o γ-ray) ay mga alon o daluyong na elektromagnetiko na may pinakamaliit na liboyhaba sa ispektrong elektromagnetiko.[1] Natuklasan ito ni Paul Villard noong 1900, at pinangalanan ni Ernest Rutherford noong 1903.

Ang mga rayong gamma ay nagagawa ng ilang mga uri ng mga atomong radyoaktibo. Katulad ang mga ito ng mga rayos ekis. Kapwa mga poton ang rayos gamma at mga rayos ekis na may napakataas na mga enerhiya. Ang rayong gamma ay isa ring uri ng radyasyon. Nakapaglalakbay ang sinag gamma papasok sa makakapal na mga materyal.

Ang kobalt-60 at potasyo-40 ay dalawang mga isotopong naglalabas ng sinag gamma. Nalilikha ang kobalt-60 sa loob ng mga akselerador at ginagamit sa mga ospital. Likas ang pagkakaroon ng potasyo-40. Nasa lahat ng mga halaman at mga hayop ang maliliit na mga dami ng potasyo-40. Bawat isang mga sinag gamma mula sa potasyo-40 ay may enerhiyang 1460 libong boltaheng elektron (keV).

Ang mga sinag gamma at rayos ekis ay pangkasalukuyang napagkakaiba sa pamamagitan ng kanilang pinanggalingan: ang mga rayos eksi ay binubuga ng mga elektron sa labas ng nukleo, habang ang mga sinag gamma ay ibinubuga ng nukleo.[2]

Sinag gamma sa medisina

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang mga sinag gamma ay nakapapasok rin sa balat upang pumatay ng mga selula, katulad ng mga selulang nakakakanser. Ang mga duktor ay nakagagamit ng mga makinang nakagagawa ng mga sinag gamma sa loob ng ospital upang gamutin ang mga tao na may ilang uri ng kanser. Ginagamit din ng mga manggagamot ang sinag gamma upang makahanap ng mga karamdaman. Sa mga ospital, nagbibigay ang mga duktor sa pasyente ng gamot na radyoaktibo na nagbubuga ng mga sinag gamma. Nakakahanap ang mga duktor ng ilang uri ng sakit sa pamamagitan ng pagsukat ng mga sinag gamma na lumalabas pagkaraan magmula sa isang pasyente. Ginagamit din ang sinag gamma upang linisin ang mga bagay o materyal sa ospital.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Ang ispektrum na elektromagnetiko ay binubuo ng maraming mga tipo ng alon na katulad ng liwanag, ngunit hindi makikitang lahat ng mata ng tao.
  2. Feynman, Richard; Robert Leighton, Matthew Sands 1963. The Feynman Lectures on Physics, vol 1. USA: Addison-Wesley. pp2–5 ISBN 0201021161.