Pumunta sa nilalaman

X-ray

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Rayos ekis)

Ang x-radiation (na binubuo ng mga x-ray) ay isang anyo ng radyasyong elektromagnetiko. Ang mga x-ray ay may wavelength sa saklaw na 0.01 hanggang 10 nanometro na tumutugon sa mga prekwensiya sa saklaw na 30 petahertz hanggang 30 exahertz (3×1016 Hz to 3×1019 Hz) at mga enerhiyang nasa saklaw na 100 eV hanggang 100 keV. Ang mga wavelength ay mas maikli kesa sa mga ultraviolet ray at mas mas mahaba sa mga gamma ray. Isa itong aparatong ginagamit sa pagkuha ng larawan ng mga buto at kalamanan ng katawan.[1] Ang mga X-ray photon ay nagdadala ng sapat na enerhiya upang i-ionisa ang mga atomo at gambalain ang mga kawing molekular na gumagawa ritong isang uri ng nag-iionisang radyasyon at kaya ay mapanganib sa buhay na tisyu. Ang isang napakataas na dosis ng radyasyon sa isang maikling panahon ay nagsasanhi ng sakit ng radyasyon samantalang ang mas mababang dosis ay nagpapataas ng panganib ng sinanhi ng radyasyong kanser. Ang kakayahang pag-iionisa ng mga x-ray ay magagamit sa paggamot ng kanser upang patayin ang mga selulang malignant gamit ang terapiyang radyasyon. Ito ay ginagamit rin para sa karakterisasyon ng materyal gamit ang spektroskopiyang x-ray.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Gaboy, Luciano L. X-ray, rayos ekis - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.

Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.