Pumunta sa nilalaman

Pagkakapantay-pantay ng mga kasarian

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Gender equality)
Ang pangkaraniwang simbolo para sa pagkakapantay-pantay ng kasarian

Ang pagkakapantay-pantay ng mga kasarian (kilala rin bilang gender equity, gender egalitarianism, o sekswal na pagkakapantay-pantay) ay ang layunin ng pagkakapantay-pantay ng mga kasarian o ng mga seks,[1] na nagmumula sa paniniwala sa kawalan ng katarungan na may iba't ibang anyo ng hindi pagkakapantay-pantay sa kasarian.

Konsepto

Ang kilusang naglalayon ng pagkakapantay-pantay ng kasarian, lalo na sa mga Kanluraning bansa, ay nagsimula sa mga kilusang suffragette noong huling ika-19 siglo. Nagresulta ito ng pagbabago na may kinalaman sa karapatan ng mga kababaihan sa pagmamay-ari pagkatapos ikasal. (Tingnan ang halimbawa, Married Women's Property Act 1882.) Noong 1960s, nabuo ang isang mas pangkalahatang kilusan para sa pagkakapantay-pantay ng kasarian batay sa peminismo at sa pagkakaroon ng kalayaan para sa kababaihan. Gayunman, ang aktwal na mga pagbabago sa mga pananaw ay patuloy na tumutok sa mga partikular na mga isyu.

Ang kilusan ay nagdulot ng mga pagbabago sa mga batas na may kaugnayan sa isang partikular na isyu o mga batas na anti-seks na nagreresulta ng hindi pagkakapantay-pantay. Sa larangan ng edukasyon, nagkaroon ng kultural na pagbabago sa pagtingin sa pagkakapantay-pantay ng oportunidad para sa mga lalaki at mga babae. Ang ilang mga pagbabago ay dumating sa pamamagitan ng pagtanggap sa mga umaayong mga patakaran sa pagkilos. Ang pagbabago ay kinabibilangan din ng mga pagbabago sa mga panlipunang pananaw, kabilang ang "pagkakapantay ng kabayaran sa magkakapantay na trabaho" pati na rin ang pagkakaroon ng pantay na bilang ng trabaho sa mga kalalakihan at kababaihan sa maraming mga bansa. Halimbawa, maraming mga bansa ngayon ang nagpapahintulot sa mga kababaihan na maging sundalo, pulis o bumbero. Gayundin, tumataas ang bilang ng mga kababaihan na aktibo sa politika at humahawak ng mataas na posisyon sa mundo ng negosyo.

Sa kabilang banda, tumataas naman ang bilang ng mga kalalakihang nagtatrabaho sa mga larangang noong sinaunang henerasyon ay itinuturing na pambabae, tulad ng narsing. Gayundin, sa tahanan, habang tinatanggap ang bayolohikal na pagkakaiba sa pagitan ng kalalakihan at kababaihan, higit na kapansin-pansin na ang papel ng pagpapalaki ng bata ay hindi na itinuturing na ekslusibo sa mga kababaihan. Isa pang manipestasyon ng pagbabago sa panlipunang pananaw ay ang di-pilit na pagkuha ng babae ng apelyido ng kanyang asawa matapos ang kasal, pati na rin ang abilidad ng isang babae na ipagpatuloy ang kanyang karera o trabaho pagkatapos ng kasal.

Maraming mga tao, peminista man o hindi, ang hindi pa rin lubusang tanggap na nakamit na ang mga layunin ng pagkakapantay-pantay ng kasarian, lalo na sa mga di-Kanluraning bansa. Isa sa mga pinagtatalunang isyu na may kaugnayan sa pagkakapantay-pantay ng kasarian ay ang papel na ginagampanan ng mga kababaihan sa simbahang Kristiyano, at mga babaeng pari. Ang mga isyung katulad nito ay nagdulot ng pagkakawatak-watak ng ilang mga simbahan.

Hindi lahat ng mga ideya para sa pagkakapantay-pantay ng kasarian ay tinanggap ng nakararami. Halimbawa, ang mga kilusan para sa karapatang pangkalayaan ay nananatiling isang isyung mardyinal, bagaman ang karapatan sa pagpapasuso sa mga pampublikong lugar ay tinatanggap. Gayunman, ang mga kababaihang yumayakap sa pornograpiya at iba pang "anti-social" na pag-uugali na sa ilang pagkakataon ay iniuugnay sa mga grupo ng kalalakihan, ay malawakang tinutuligsa.

Pagsisikap upang labanan ang hindi pagkakapantay-pantay

Ipinapakahulugan ng mga pandaigdigang organisasyon ang "gender equality" sa mga tuntunin ng mga karapatang pantao, lalo na sa mga karapatan ng kababaihan, at pagpapaunlad ng ekonomiya.[2][3] Binibigyang-kahulugan ng UNICEF ang "pagkakapantay-pantay ng mga kasarian" bilang "pagpapantay sa lebel ng kababaihan, bata man o matanda, sa pamamagitan ng pagtiyak na ang lahat ng mga bata ay may pantay na pagkakataon na hubugin ang kanilang mga talento."

Ang United Nations Population Fund ay nagpahayag na ang mga kababaihan ay may karapatan sa pagkakapantay-pantay.[4] Ang "gender equity" ay isa sa mga layunin ng United Nations Millennium Project,upang tapusin ang pandaigdigang kahirapan sa 2015; isinasaad sa proyekto, "Ang bawat isang layunin ay direktang may kinalaman sa karapatan ng mga kababaihan, at sa lipunan kung saan ang mga kababaihan ay hindi nabibigyan ng pantay na karapatan na nagdudulot sa tao ng maaaring hindi kailanman pagkamit ng pag-unlad sa isang pangmatagalan na paraan."

Kaya, ang pagtataguyod ng pagkakapantay-pantay ng kasarian ay makikita bilang isang motibasyon sa mas higit na kaunlarang pang-ekonomiya.[2] Halimbawa, ang mga bansa sa Arabya na hindi ipinagkakaloob ang pantay na oportunidad sa mga kababaihan ay binigyan ng babala sa isang 2008 United Nations-sponsored na ulat na ang pagkakait ng kapangyarihang ito ay isang kritikal na kadahilanan na pumipigil sa panunumbalik ng mga bansang ito sa unang ranggo ng mga pandaigdigang lider sa komersyo, edukasyon at kultura .[5]

Noong 2010, binuksan ng European Union ang European Institute for Gender Equality (EIGE) sa Vilnius, Lithuania upang itaguyod ang pagkakapantay-pantay ng kasarian at upang labanan ang diskriminasyong sekswal.

Tingnan din

General issues

  • Complementarianism
  • Egalitarianism
  • Feminism
  • Gender mainstreaming
  • Right to equal protection
  • Sex and gender distinction

Specific issues

  • Bahá'í Faith and gender equality
  • Female economic activity
  • Female education
  • Gender Parity Index (in education)
  • Gender sensitization
  • Matriarchy
  • Mixed-sex education
  • Patriarchy
  • Quaker Testimony of Equality
  • Women in Islam

Mga batas

  • Convention on the Elimination of All Forms of Discrimination Against Women or CEDAW (United Nations, 1979)
  • Danish Act of Succession referendum, 2009
  • Equal Pay Act of 1963 (United States)
  • Equality Act 2006 (UK)
  • Equality Act 2010 (UK)
  • European charter for equality of women and men in local life
  • Gender Equality Duty in Scotland
  • Gender Equity Education Act (Taiwan)
  • Lilly Ledbetter Fair Pay Act (United States, 2009)
  • List of gender equality lawsuits
  • Paycheck Fairness Act (in the US)
  • Title IX of the Education Amendments of 1972 (United States)
  • Uniform civil code (India)
  • Women's Petition to the National Assembly (France, 1789)

Organizations and ministries

  • Afghan Ministry of Women Affairs (Afghanistan)
  • Centre for Development and Population Activities
  • Christians for Biblical Equality
  • Committee on Women's Rights and Gender Equality (European Parliament)
  • Equal Opportunities Commission (UK)
  • European Institute for Gender Equality
  • Gender Empowerment Measure, a metric used by the United Nations
  • Gender-related Development Index, a metric used by the United Nations
  • Government Equalities Office (UK)
  • International Center for Research on Women
  • Ministry of Integration and Gender Equality (Sweden)
  • Ministry of Women, Family and Community Development (Malaysia)
  • Philippine Commission on Women (Philippines)
  • Total E-Quality (Germany)
  • Global Gender Gap Report
  • Women's Equality Day
  • International Men's Day
  • Potty parity

References

  1. United Nations. Report of the Economic and Social Council for 1997. A/52/3.18 Setyembre 1997, at 28: "Mainstreaming a gender perspective is the process of assessing the implications for women and men of any planned action, including legislation, policies or programmes, in all areas and at all levels. It is a strategy for making women's as well as men's concerns and experiences an integral dimension of the design, implementation, monitoring and evaluation of policies and programmes in all political, economic and societal spheres so that women and men benefit equally and inequality is not perpetuated. The ultimate goal is to achieve gender equality."
  2. 2.0 2.1 World Bank (September, 2006). "Gender Equality as Smart Economics: A World Bank Group Gender Action Plan (Fiscal years 2007–10)" (PDF). {{cite journal}}: Cite journal requires |journal= (tulong); Check date values in: |year= (tulong)
  3. United Nations Millennium Campaign (2008). "Goal #3 Gender Equity". United Nations Millennium Campaign. Nakuha noong 2008-06-01.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. UNFPA (Pebrero 2006). "Gender Equality: An End in Itself and a Cornerstone of Development". United Nations Population Fund. Nakuha noong 2008-06-01.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. [12] ^ Gender equality in Arab world critical for progress and prosperity, UN report warns, E-joussour (21 Oktubre 2008)

Dennis O'Brien (30 Mayo 2008). "Gender gap clues". Baltimore Sun.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link) [patay na link]