Pumunta sa nilalaman

Genderqueer

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Genderqueer (GQ), Genderqueer (GQ), gender fluid at intergender ay pumapatungkol sa anumang gender identities bukod sa pagiging babae o lalaki. Ang mga taong iniisip ang kanilang sarili bilang genderqueer ay maaaring kinikilala ang kanilang sarili bilang parehong babae at lalaki o di kaya naman ay hindi babae o lalaki, samakatuwid, ang kanilang kasarian ay labas sa tinatawag na gender binary. Maaaring nilang ipakita ang kanilang ugali na parehong pambabae at panlalaki o di kaya naman ay wala sa nabanggit. Marami sa mga genderqueer ang naniniwalang hiwalay na aspeto ng pagiging tao ang sekswalidad at kasarian nito, na kadalasang nagiging dahilan upang magkaroo ng pag-usbong ng mga lalaking babae, babaeng lalaki, o lalaki/babae/intergender. Ang mga gender fluid naman ay kalimitang naniniwala na hindi nababagay sa kanila ang pagiging babae o lalaki, pisikal man o mental. Ang katauhang pangkasarian ay pumapatungkol sa panloob na pagkilala sa sarii bilang isang babae, isang lalaki, pareho ng mga nabanggit o wala sa mga ito, samantalang ang katauhang pangsekswalidad ay pumapatungkol sa kakayahang ng isang indibidwal na makapukaw ng sekwswal na atraksiyon ng ibang indibidwal mapa-pisikal, romantikal at/o emosyonal man ito.

Ilan mga genderqueers ay kabilang sa grupo ng mga transgender. Androgynous naman ang ginagamit na deskripsiyon sa mga taong kabilang sa huling nabanggit na kategorya. Naniniwala ang ilang mga genderqueers na ang kanilang sekswalidad ay isa sa marami pang posibleng sekswalidad bukod sa naturang gender binary, samantalang may ilan ding naniniwala na ang genderqueer ay isang umbrella term na sumasakop sa lahat ng kasariang hindi napapabilang sa tradisyunal na kasarian. May mga taong itinuturing ang genderqueer bilang ikatlong uri ng kasarian na komplementaryo sa pagiging babae o lalaki, at may pa rin ilan na naniniwalang ang pagiging genderqueer ang sumisimbolo sa kawalan ng sekswalidad. Maaaring gamitin ang salitang genderqueer bilang pang-uri na nagbibigay-deskripsiyon sa kahit sinong tao na hindi kumikilala sa kanyang sekswalidad alintana man ang bayolohikal at pisikal niyang kasarian.

Kasarian at mga Panghalip

Wala namang isyu sa paggamit ng mga panghalip sa mga genderqueers sa salitang Filipino dahil hindi naman gender-specific ang mga panghalip na ginagamit sa wikang ito. Nagkakaroon lamang ng isyu ang mga genderqueers kapag ang wikang gamit ay humihingi ng tiyak na kasarian, halimbawa ay ang wikang Ingles. M,Kadalasan sa ganitong mga pagkakataon, mas pinipili ng ilan sa mga genderqueers ang nakasanayang mga panghalip tulad ng "he" at "she". Ang iba ay pinipiling gumamit ng mga gender-neutral na mga panghalip tulad ng "they", "their" at "them", kaysa "his" o "her".

Mga Sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  • Gender Queer. Voices From Beyond the Sexual Binary, Joan Nestle, Clare Howell, Riki Wilchins (2002) Alyson Books, New York.
  • The Transgender Studies Reader, Susan Stryker, Stephen Whittle (2006) Routledge, New York.