Gene na Hox
Itsura
Ang mga gene na Hox o Hox genes ay isang pangkat ng mga magkakaugnay na gene na tumutukoy sa pang-rehiyong pagkakalinlan(identity) ng isang embryo sa kahabaan aksis na anterior-posterior(ulo-buntot). Pagkatapos na ang mga segmentong embryoniko ay nabuo, ang mga protinang Hox ay tumutukoy sa uri ng mga istrakturang segmento(halimbawa ang mga hita, antena at mga pakpak sa mga langaw o ang iba't ibang bertebratang tadyang sa mga tao) na mabubuo sa isang ibinigay na segmento. Kaya ang mga protinang Hox ay nagbibigay ng isang pagkakakilanlang segmental ngunit hindi ang mismong bumubuo ng mga aktuwal na segmento.[1]
Ang mga gene na Hox ay inilalarawan na mayroong mga sumusunod na katangian:
- ang produktong protina ng mga ito ay isang paktor na transkripsiyon
- ang mga ito ay naglalaman ng isang sekwensiyang DNA na kilala bilang homeobox
- sa maraming mga hayop, ang organisasyon ng mga gene na Hox sa kromosoma ay pareho sa pagkakasunod sunod ng mga ekspresyon nito sa kahabaan ng aksis na anterior-posterior ng nabubuong hayop at kaya ay sinasabing nagpapakita ng kolinyaridad.[2].
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Joseph C. Pearson, Derek Lemons & William McGinnis "Modulating Hox gene functions during animal body patterning" Nature Reviews Genetics 6, 893-904 (December 2005) doi:10.1038/nrg1726
- ↑ Carroll S. B. (1995). "Homeotic genes and the evolution of arthropods and chordates". Nature. 376 (6540): 479–85. doi:10.1038/376479a0. PMID 7637779.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)