Pumunta sa nilalaman

Ang Kuwento ni Genji

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Genji Monogatari)
Ang pabalat para sa bolyum 1 hanggang 54 ng Ang Kuwento ni Genji.

Ang Ang Kuwento ni Genji (Hapones: 源氏物語, Genji Monogatari; Ingles: The Tale of Genji), ay isang ika-11 daantaong aklat na isinulat ng Haponesang si Murasaki Shikibu. Minsang sinasabing ito ang pinakaunang nobelang naisulat, subalit kung hindi man, isa ito sa mga itinuturing na mahahalaga. Isinulat ito sa panahong pangkaraniwang sa mga kababaihang Haponesa nasa korte ng Emperador ng Hapon ang magsulat ng mga talaarawan, isang bagay na mayroon si Murasaki bago niya isinulat ang nobelang ito noong mga taong 1010. Naging tanyag ang kuwentong ito sa loob ng maraming daantaon.[1]

Tungkol ang Kuwento ni Genji sa buhay at mga pag-ibig ng prinsipeng si Genji. Nagmahal siya ng ilang mga babae na nagkaroon ng sari't saring reaksiyon sa kaniya.[1]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 Firth, Lesley (Patnugot Panlahat) atbp. (1985). "Who Wrote The Tale of Genji?". Who Were They? The Simon & Schuster Color Illustrated Question & Answer Book. Little Simon Book, Simon & Schuster, Inc., Lungsod ng Bagong York, ISBN 0671604767.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 74.


Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.