Pumunta sa nilalaman

Rubella

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa German measles)
Huwag itong ikalito sa rubeola, isa pang uri ng tigdas.

Ang rubella o tigdas-hangin[1] (Ingles: rubella, German measles, o three-day measles[2]), ay isang uri ng karamdaman na dulot ng birus na rubella at maaaring maging isang sakit na malubha. Ang pangalang "rubella" ay hinango mula sa wikang Latin na may kahulugang "maliit na pula". Isa itong uri ng tigdas na nagtatagal nang tatlong mga araw.[2] Ang sakit na ito ay nagdurulot ng singaw sa balat at pamamantal, banayad na lagnat, at artritis. Ang pagkakaroon ng artritis dahil sa rubella karaniwan at karamihang nangyayari sa mga babae. Kapag ang isang babae ay nagkaroon ng rubella habang siya ay nagdadalangtao, ang babaeng ito ay maaaring makunan (malaglagan ng sanggol magmula sa sinapupunan ng ina), o kaya ay maaaring magluwal ng isang sanggol na may mga depektong malulubha.[3][4]

Pagkahawa at pagkalat

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang rubella ay kumakalat sa ibang mga tao sa pamamagitan ng hangin, subalit maaari rin tiong makuha dahil sa pagiging malapit sa isang tao na naimpeksyon na.[4]

Bakuna at pag-iwas

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Maiiwasan ang rubella sa pamamagitan ng pagpapabakuna na ginagamit ang bakunang MMRVi am. Maaaring ibigay ang bakuna sa mga bata at sa mga taong nasa hustong gulang rin. Nang wala pang mga bakuna, ang rubella ay napaka karaniwan, lalo na sa mga bata. Kung ihihinto ang programa ng pagbabakuna laban sa rubella at ang iba pang mga sakit na nabanggit, magbabalik ang paglaganap ng mga sakit na ito.[4]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. TIGDAS HANGIN, KALUSUGAN PH
  2. 2.0 2.1 Neighbors, M; Tannehill-Jones, R (2010). "Childhood diseases and disorders". Human diseases (ika-ika-3 (na) edisyon). Clifton Park, New York: Delmar, Cengage Learning. pp. 457-79. ISBN 978-1-4354-2751-8.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. BAKUNA LABAN SA MMRV (TIGDAS, BIKI, RUBELLA at VARICELLA) ANG KAILANGAN NINYONG MALAMAN, immunize.org
  4. 4.0 4.1 4.2 Bakuna sa MMR (Measles, Mumps, & Rubella) Ano ang Kailangan Mong Malaman