Bakunang MMRV
Kombinasyon ng | |
---|---|
Bakuna sa tigdas | Bakuna |
Bakuna sa beke | Bakuna |
Bakuna sa tigdas na Aleman | Bakuna |
Bakuna sa bulutong-tubig | Bakuna |
Datos Klinikal | |
Kodigong ATC | |
Estadong Legal | |
Estadong legal | |
Mga pangkilala | |
ChemSpider | |
(ano ito?) (patunayan) |
Ang bakuna laban sa tigdas, beke (biki), tigdas na Aleman (rubella), at bulutong-tubig (varicella) (Ingles: measles, mumps, rubella and varicella vaccine o MMRV vaccine na ang unang M ay para sa measles, ang pangalawang M ay para sa mumps, ang R ay para sa rubella, at ang V ay para sa varicella; measles, mumps, German measles and chickenpox vaccine; kung ang bakuna ay walang para sa bulutong-tubig o varicella, ang bakuna ay tinatawag na MMR vaccine) ay isang uri ng bakuna na pamprutekta at panlaban sa mga sakit na tigdas, beke (biki), tigdas na Aleman (rubella), at bulutong-tubig (varicella). Ang bakunang ito ay binubuo ng pinagsama-samang mga pinahinang mga birus ng apat na nabanggit na mga sakit. Ang bakunang panlaban sa tigdas, beke, tigdas na Aleman, at bulutong-tubig ay karaniwang maaaring ibigay na kasabay ang iba pang mga uri ng bakunang panlaban sa iba pang mga sakit.[1][2]
Edad ng pagbabakuna
[baguhin | baguhin ang wikitext]Maaaring ibigay ang dalawang mga dosis ng bakunang panlaban sa tigdas, biki, rubella at bulutong-tubig sa mga batang 1 hanggang 12 taon ang gulang: na ang unang dosis ay para sa mga batang umabot na sa 12 hanggang 15 buwan ang gulang; habang ang ikalawang dosis ay kapag ang mga bata ay nasa 4 hanggang 6 na taon nang gulang, bagaman ang ikalawang dosis ay maaaring ibigay hanggang sa 12 taon na ang edad (kailangan lamang na hindi kukulangin sa 3 buwan ang tagal pagkatapos na matanggap ang unang dosis).[1][2]
Dami ng ulit ng pag-iniksiyon
[baguhin | baguhin ang wikitext]Maaaring ibigay ang bakunang panlabas sa tigdas, beke, tigdas na Aleman at bulutong-tubig sa pamamagitan ng dalawang pamamaraan ng pag-iiniksiyon: ang isang paraan ay ang 1 beses na pag-iniksiyon na ang ibinigay ay binubuo ng bakunang panlaban sa apat na mga sakit na ito; ang pangalawang metodo na 2 ang ginagawang pag-iiniksiyon, dahil sa inuuna muna ang pag-iniksiyon ng bakuna na panlaban para sa tatlong sakit, iyong para sa tigdas, beke at tigdas na Aleman, na masusundan ng pangalawang iniksiyon na mayroong bakunang panlaban sa bulutong-tubig. Magkapareho ang antas ng proteksiyon na natatanggap ng mga bata mula sa dalawang kaparaanang ito ng pag-iiniksiyon.[1][2]
Pakinabang
[baguhin | baguhin ang wikitext]Sa unang paraan, isang ulit lamang na iiniksiyunan ang bata. Subalit, sa karaniwan, ang mga batang nakatanggap ng isang iniksiyon na binubuo ng bakuna laban sa apat na sakit ay nagkakaroon ng mas maraming lagnat at mga atake na may kaugnayan sa lagnat. Ang antas ay 1 isang batang lalagnatin nang marami laban sa 1,250 hindi lalagnatin nang marami.[1][2]
Pagbabakuna sa mas matatanda
[baguhin | baguhin ang wikitext]Kapag ang tao ay nasa 13 gulang na o kaya ay mas may edad na, ang ginagawang paraan ng pagbabakuna ay ang dalawang ulit na pag—iiniksiyon (basahin ang seksiyong nasa ibaba): na magkahiwalay ang pag-iniksiyon, na nauuna ang dosis ng bakuna na may panlaban sa tigdas, beke, at tigdas na Aleman; na susundan pagdaka ng dosis ng bakuna na panlaban naman sa bulutong-tubig.[1][2]
Mga dahilan ng hindi pagbabakuna
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mayroong mga pagkakataon na hindi dapat bigyan ng bakunang laban sa tigdas, beke, tigdas na Aleman at bulutong-tubig ang isang bata. Maaari namang dapat na maghintay lamang muna ng tamang panahon kung kailan dapat bakunahan ang bata. Kabilang sa mga dahilan ng hindi pagbibigay o pag-antala ng pagbabakuna ang mga sumusunod: Nanganib na ang buhay ng bata dahil sa reaksiyong alerhiya (pagkakaraon ng alerhiya) sa bakunang ito, o kaya dahil sa sangkap na ginamit sa paggawa ng bakunang ito (katulad ng helatina o ng antibiyotikong neomycin; kaya't dapat na binabanggit sa manggagamot at sa tagapagkaloob ng bakuna kung mayroon bang alerhiya sa anumang bagay ang batang babakunahan); hindi rin dapat bakunahan ang bata kung ang bata ay mayroong HIV/AIDS o iba pang katulad nito na nakakaapekto sa sistema ng katawan na lumalaban sa karamdaman; at kaugnay nito ang habang ginagamot ang bata dahil sa mga gamot na nakakaapekto sa tungkulin ng sistema ng katawan na panlaban sa sakit (kasama na ang kapag ang bata ay ginagamot sa pamamagitan ng mga steroid). Hindi rin binibigyan ng bakuna ang mga batang may kanser o kaya ay sumasailalim sa radyasyon at gumagamit ng mga gamot na panlaban sa kanser.[1][2]
Bago bakunahan, kailangan ding sabihin at ikonsulta muna sa duktor kapag ang bata ay nasa ganitong mga sitwasyon: kapag ang bata ay nakaranas na ng mga atake; kapag ang mga magulang at mga kapatid ng bata ay nakaranas na ng atake; kapag ang mga magulang at mga kapatid ng bata ay nakaranas na ng mga suliranin hinggil sa sistema ng katawan na panglaban sa karamdaman; kapag ang bata ay nagkaroon ng mababang bilang ng platelet (sangkap ng dugo na nakakatulong sa pamumuo ng dugo); kapag ang bata ay mayroong sakit sa dugo; kapag ang bata ay nasalinan na ng dugo o ng ibang mga produktong dugo; kapag ang bata ay may malubha o kaya ay katamtamang sakit pagsapit ng araw ng pagbabakuna (bagaman maaaring hintayin lamang na gumaling muna ang bata bago bakunahan; at iyon namang bata na banayad lamang sakit ay maaaring bakunahan sa araw na iyon, ayon sa pasya ng manggagamot at ng tagapagkaloob ng bakuna).[1][2]
Mga panganib ng bakuna
[baguhin | baguhin ang wikitext]Bagaman napakaliit ng antas ng panganib, pinsala, at kamatayan, na idudulot ng bakuna laban sa tigdas, beke, tigdas na Aleman at bulutong-tubig sa tatanggap nito, ang anumang uri ng bakuna - katulad ng iba pang mga gamot - ay maaaring magdulot ng suliranin, partikular na ang pagkakaroon ng alerhiya. Gayon pa man, mas magiging ligtas ang bata kapag nakatanggap ito ng bakuna. Ang karamihang bilang ng mga bata na nakatanggap ng bakuna ay hindi naman nagkakaroon ng anumang pinsala o suliranin na may kaugnayan sa bakuna.[1][2]
Mga suliranin dahil sa bakuna
[baguhin | baguhin ang wikitext]Kabilang sa mga suliranin dahil sa bakunang laban sa tigdas, beke, tigdas na Aleman at bulutong-tubig ang magagaang na mga suliranin at ang malulubhang mga suliranin dahil sa bakuna:[1][2]
Magagaang na mga suliranin
[baguhin | baguhin ang wikitext]Kabilang sa mga problemang maituturing na magaan lamang o hindi malaking problema pagkatapos na makatanggap ng bakuna, na maaaring lumitaw sa loob ng 5 hanggang 12 mga araw matapos ang unang pag-iniksiyon (unang dosis ng bakuna), ay ang pagkakaroon ng lagat, kaunting dami ng singaw sa balat, bihirang pamamaga ng mga glandulang nasa mga pisngi o leeg. Hindi karaniwang lumilitaw ang magagaang na mga problemang ito pagkatapos na maibigay ang ikalawang iniksiyon (pangalawang dosis ng bakuna).[1][2]
Katamtamang mga suliranin
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang katamtamang mga problema pagkabakuna ay kinabibilangan ng pagkakaroon ng pansamantalang mababang bilang ng platelet, at dahil dito, ang karamdaman ng pagdurugo. Ang katamtamang mga problema ay karaniwang lumilitaw pagkalipas ng 5 hanggang 12 mga araw matapos na mabakunahan. Hindi rin ito madalas na lumilitaw kapag ang bakuna ay ibinigay sa loob ng iisang pagbisita lamang sa manggagamot o tagapagkaloob ng bakuna (na ang bakuna ay ibinigay sa pagbisitang ito bilang magkahiwalay na iniksiyon). Hindi madalas na nagaganap ang katamtamang suliranin dahil sa bakuna pagkaraang maibigay ang ikalawang dosis ng bakuna.[1][2]
Mabibigat na mga suliranin
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mayroong mga problemang mabibigat, bagaman napaka madalang, na maaaring maganap pagkaraan ng pagbabakuna laban sa tigdas, beke, tigdas na Aleman at bulutong-tubig (maaaring dahil sa bakuna lamang na binubuo ng mga panlaban sa tigdas, beke, tigdas na Aleman, o dahil sa mga panlaban sa apat na sakit na tinatalakay dito). Hindi natitiyak kung ang mga suliraning ito ay dahil nga ba sa bakuna o dahil sa ibang mga bagay. Kabilang sa mga problemang ito ang alerhiya, pagkabingi, mga matagalang atake, kawalan ng malay, pagiging may mababaw o mababang kamalayan, permanenteng kapinsalaan sa utak.[1][2]
Mga palatandaan ng mga suliraning mabibigat
[baguhin | baguhin ang wikitext]Kabilang sa mga nagaganap sa pasyenteng nabakunahan ang mga hindi pangkaraniwang kalagayan na pagkakaroon ng mataas na lagnat, mga pagbabago sa pag-uugali; mga katangian ng alerhiya na kasama ang kahirapan sa paghinga, pamamaos, paghuni, pamamantal, pamumutla, pagbilis ng tibok ng puso, at pagkahilo. Ang pagkakaroon ng ganitong mga katangian o masasamang mga pangyayari pagkatapos na mabakunahan ang tao ay kaagad na itinatawag ng duktor o dinadala sa manggagamot at tagapagkaloob ng bakuna, na ibinibigay ang mga detalye ng pangyayari (kasama na ang oras, petsa, atbp).[1][2]
Tingnan din
[baguhin | baguhin ang wikitext]Programa sa pagbabayad-pinsala dahil sa bakuna
[baguhin | baguhin ang wikitext]Sa Estados Unidos, ang pamahalaan ay mayroong palatuntunan na tinatawag bilang Pambansang Programa sa Kabayaran sa Pinsala ng Bakuna o National Vaccine Injury Compensation Program (VICP) sa Ingles. Nilikha ito noong 1986 upang ang mga tao na naniniwalang sila ay maaaring napinsala ng mga bakuna ay makapagharap ng kahilingan ng pagbabayad dahil sa mga kapinsalaang ito.[1][2]