Pumunta sa nilalaman

Mga Bakuna sa Beke

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Mga Bakuna sa Beke
Paglalarawan sa Bakuna
Target diseaseMga Beke
UriAttenuated virus
Datos Klinikal
MedlinePlusa601176
Kodigong ATC
Mga pangkilala
ChemSpider
 NY (ano ito?)  (patunayan)

Ang Mga Bakuna sa Beke ay ligtas na pang-iwas sa mga beke. Kapag iniiniksiyon sa marami, binabawasan ng mga ito ang mga kumplikasyon sa dami ng populasyon.[1] Ang bisa kapag ang 90% ng isang populasyon ay binakunahan ay tinatayang 85%.[2] Kinakailangan ang dalawang dosis para sa pangmatagalang pang-iwas. Ang inisyal na dosis ay inirerekomenda sa pagitan ng edad na 12 hanggang 18 buwang gulang. Ang ikalawang dosis ay kinakailangan para sa pangmatagalang pag-iwas.[1] Ang paggamit pagkatapos ng pagkakalantad sa mga tinatablan pa ay maaaring kapakipakinabang.[3]

Basahin din ang: Bakunang MMRV

Ang mga bakuna sa beke ay napakaligtas at ang mga di inaasahang di kanais-nais na epekto ng gamot ay karaniwang bahagya.[1][3] Maaaring magdulot ito ng bahagyang pananakit at pamamaga sa pinag-iniksiyunan at bahagyang lagnat. Bihira ang mas malalaking di inaasahang di kanais-nais na epekto ng gamot.[1] Ang katibayan ay ang hindi sapat para maiugnay ang bakuna sa mga kumplikasyon tulad ng mga epekto sa nerbiyo.[3] Hindi dapat iiniksiyon ang bakuna sa mga taong nagdadalantao o may malubhang immunosuppression.[1] Ang mga hindi magandang kinahinatnan sa mga anak ng mga inang nakatanggap ng bakuna sa panahon ng pagdadalantao; gayun pa man, ito ay hindi naidokumento.[1][3] Kahit na ang bakuna ay ginawa sa mga selyula ng manok, okey pa rin itong ibigay sa mga may mga allergy sa itlog.[3]

Karamihan ng mauunlad na mundo at marami sa mga bansa sa umuunlad na mundo ang nagsasama nito sa kanilang mga immunisasyong programa na madalas ay kasama ng tigdas at bakuna sa tigdas-hangin na kilala bilang MMR ay mayroon rin.[1] Ang pormulasyon kasama ang mga naunang tatlo at ang bakuna sa bulutong-tubig na kilala bilang MMRV ay mayroon rin.[3] Hanggang nitong 2005, ang 110 na bansa ay nabigyang ng bakuna sa ganitong paraan. Sa mga lugar kung saan ang malawakang pagbabakuna ay isinasagawa, nagresulta ito sa mahigit sa 90% na pagbaba ng bilang ng sakit. Ang halos kalahating bilyong dosis ng isang klase ng bakuna ang naibigay na.[1]

Kasaysayan, lipunan at kultura

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang bakuna sa beke ay unang nabigyan ng lisensiya noong 1948; gayun pa man mayroon itong maikling bisa lamang.[3] Ang pinahusay na mga bakuna ay nagsimulang ibenta noong 1960s. Kahit na ang naunang bakuna ay Di aktibong ang mga kasunod na mga paghahanda ay buhay na mga virus na mga pinahina.[1] Ito ay nasa World Health Organization's List of Essential Medicines (Listahan ng mga Mahahalagang Gamot ng World Health Organization), ang pinakamahalagang medikasyong kailangan sa isang panguhaning sistemang pangkalusugan.[4] May mga ilang iba't ibang uri na ginagamit hanggang noong 2007.[1]

Mga Sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.00 1.01 1.02 1.03 1.04 1.05 1.06 1.07 1.08 1.09 "Mumps virus vaccines" (PDF). Weekly epidemiological record. 82 (7): 49–60. 16 Peb 2007. PMID 17304707.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Hviid A, Rubin S, Mühlemann K (Marso 2008). "Mumps". Ang Lancet. 371 (9616): 932–44. doi:10.1016/S0140-6736(08)60419-5. PMID 18342688.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link)
  3. 3.0 3.1 3.2 3.3 3.4 3.5 3.6 Atkinson, William (Mayo 2012). Mumps Epidemiology and Prevention of Vaccine-Preventable Diseases (ika-12 (na) edisyon). Public Health Foundation. pp. Chapter 14. ISBN 9780983263135.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "WHO Model List of EssentialMedicines" (PDF). World Health Organization. Oktubre 2013. Nakuha noong 22 Abril 2014.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)