Pumunta sa nilalaman

Beke

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Paghahambing ng isang taong may beke (kaliwa) at walang beke (kanan:matapos magkaroon ng beke).

Ang beke o biki[1] (Ingles: mumps) ay isang karamdamang sanhi ng virus sa mga tao. Bago pa man malikha ang mga baksinasyon at ang paggamit ng mga baksin, isa itong pangsandaigdigang sakit ng mga kabataan, at isang sadyang panganib sa kalusugan sa Ikatlong Daigdig (Ingles: Third World).[2] Ang beke ay dahil sa birus ng beke at maaaring maging isang karamdaman na may kalubhaan. Ang beke ay nakapagdurulot ng lagnat, sakit ng ulo, pananakit ng kalamnan, pagkawala ng gana sa pagkain, at pamamaga ng mga glandula. Ang beke, kapag lumala, ay maaaring magsanhi ng pagkabingi, meninghitis (impeksiyon sa utak at sa balot ng gulugod), impeksiyon ng lapay, masakit na pamamaga at pananakit ng mga obaryo sa kababaihan, at masakit na pamamaga at pananakit ng testikulo at bayag sa kalalakihan, pati na ang bihirang mangyaring pagkabaog. Bagaman bihira, nakapaghahantong din ang beke sa kamatayan ng dinapuan nito.[1][3]

Paghawa at pagkalat

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang beke ay kumakalat sa ibang mga tao sa pamamagitan ng hangin, subalit maaari rin itong makuha dahil sa pagiging malapit sa isang tao na naimpeksyon na.[3]

Bakuna at pag-iwas

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Maiiwasan ang beke sa pamamagitan ng pagpapabakuna na ginagamit ang bakuna laban sa tigdas, beke, tigdas na Aleman, at bulutong-tubig. Maaaring ibigay ang bakuna sa mga bata at sa mga taong nasa hustong gulang rin. Nang wala pang mga bakuna, ang beke ay napaka karaniwan, lalo na sa mga bata. Kung ihihinto ang programa ng pagbabakuna laban sa beke at ang iba pang mga sakit na nabanggit, magbabalik ang paglaganap ng mga sakit na ito.[3]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 BAKUNA LABAN SA MMRV (TIGDAS, BIKI, RUBELLA at VARICELLA) ANG KAILANGAN NINYONG MALAMAN, immunize.org
  2. Kasper DL; Braunwald E; Fauci AS; Hauser SL; Longo DL; Jameson JL; Isselbacher KJ (2004). Harrison's Principles of Internal Medicine (Mga Simulaing Pangloob na Medisina ni Harrison) (ika-ika-16 na edisyon (na) edisyon). McGraw-Hill Professional (Dalubhasang McGraw Hill). ISBN 0-07-140235-7.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. 3.0 3.1 3.2 Bakuna sa MMR (Measles, Mumps, & Rubella) Ano ang Kailangan Mong Malaman
Tingnan ang katumbas na artikulo sa Wikipediang Ingles para sa mas malawak na pagtalakay ng paksang ito.


PanggagamotKaramdaman Ang lathalaing ito na tungkol sa Panggagamot at Karamdaman ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.