Lagnat
Ang lagnat[1] o sinat[1] ay ang pagtaas ng temperatura ng katawan hanggang sa punto, kalagayan, o hangganang mas mataas kaysa pangkaraniwan o normal na 99.5 degri o gradong Fahrenheit. Isa itong tanda o sintomas ng pagkakaroon ng sakit o karamdaman. Sa karamihan ng mga kaso ng pagkakaroon ng sinat, nangangahulugang may impeksiyon sa loob ng katawan.[2] Kaugnay ng sinat o saynat, mas karaniwang tumutukoy ito sa bahagyang lagnat, malimit saynatin (madalas sinatin), at lagnatin nang bahagya (magkalagnat ng bahagya).[3].
Ang lagnat ay isa sa pinakakaraniwang simbolo ng medikal. Ito ay napupuntahan ng doktor na 30% sa mga bata, at 70% sa mga matatanda.
Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]
- ↑ 1.0 1.1 Gaboy, Luciano L. Fever - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.
- ↑ "Fever, Some Medical Terms, Diseases". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. 1977., pahina 206.
- ↑ "Saynat, sinat, bahagyang lagnat, saynatin, sinatin". English, Leo James. Tagalog-English Dictionary (Talahulugang Tagalog-Ingles). 1990., pahina 1210.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Panggagamot at Kalusugan ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.