Pumunta sa nilalaman

Ghassulian

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang Ghassulian ay tumutukoy sa kultura isang yugtong arkeolohikal na may petsa na Panahong Gitnang Chalcolithic sa Katimugang Levant(ca. 3800 BCE - 3350 BCE). Ito ay itinuturing na tumutugon sa kulturang Halafian ng Hilagang Syria at Mesopotamia. Ang Ghassulian ay inilalarawan ng isang maliit na mga tirahang hamlet ng halong mga taong nagsasaka at lumipat patimog mula Syria tungo lugar na kinaroonan ngayon ng Israel. Ang mga bahay ay hugis trapezoid at itinayo sa putik-brick na tinatakpan ng kahanga hangang mga pinta sa pader na polychrome. Ang palayok ng mga ito ay mataas na detalyado kabilang ang mga may paang mangkok at hugis sungay na inimung mga goblet na nagpapakita ng kultibasyon ng alak. Ang ilang mga sampol ay nagpapakita ng paggamit ng dekorasyong pang eskultura o isang nakareserbang slip(isang putik at takip ng tubig na pinupunasan habang basa). Ang mga Ghassulian ay isang kulturang Chalcolithic dahil ang mga ito ay tumunaw rin ng kobre. Ang kustombreng puneraryo ay nagpapakita na inilibing ng mga ito ang kanilang mga namatay sa mga batong dolemen.