Pumunta sa nilalaman

Gian Galeazzo Sforza

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Larawan ni Gian Galeazzo Sforza (c. 1483) na ipininta ni Giovanni Ambrogio de Predis.

Si Gian Galeazzo Maria Sforza (20 Hunyo 1469 – 21 Oktubre 1494), na nakikilala rin bilang Giovan Galeazzo Sforza, ay ang ika-6 na Duke ng Milan. Ipinanganak sa Abbiategrasso, pitong taong gulang lamang siya nang namatay dahil sa asasinasyon ang kaniyang amang si Galeazzo Maria Sforza noong 1476; at dahil sa pangyayaring ito siya ay naging Duke ng Milan. Gumanap bilang rehiyente ng batang dukeng ito ang kaniyang tiyong si Ludovico Sforza, subalit mabilisang niyang inagaw ang lahat ng mga kapangyarihan mula kay Gian Galeazzo Sforza at naging de facto na pinuno sa loob ng ilang panahon. Noong 1488, pinakasalan ni Gian Galeazzo ang kaniyang pinsang prinsesa na si Isabella ng Naples at nagkaroon sila ng apat na mga anak: sina Ippolita Maria Sforza (1493-1501), Francesco (1491–1512), Bona (1494–1557, na nagpakasal kay Sigismund I ng Polonya) at Bianca Maria (1495–1496).

Hinggil sa kamatayan ni Gian Galeazzo noong 1494 (Pavia), sinabi ng Italyanong manunulat ng kasaysayan na si Francesco Guicciardini sa loob ng kaniyang La Historia di Italia (ang pagbabaybay na ito ng pamagat ay batay sa pahina ng pamagat ng unang edisyong Florentina noong 1561, na may kahulugang Ang Kasaysayan ng Italya): na ayon sa mga bali-balita, si Gian Galeazzo ay namatay dahil sa walang habas (labis) na pakikipagtalik, subalit malawakan ding pinaniniwalaan na siya ay namatay hindi dahil sa likas na karamdaman o dahil bilang resulta ng inkontinensiya (kalibugan o kawalan ng pagpipigil), bagkus dahil sa siya ay nilason; at walang hindi nagdududa na kung siya nga ay nilason, ang lason ay ibinigay kay Gian Galeazzo dahil sa mga pakana ng kaniyang tiyo na si Ludovico Sforza.[1]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. La Historia di Italia (Ang Kasaysayan ng Italya), isinalinwika ni Sindey Alexander noong 1969, pahina 54, ISBN 0-691-05417-7


Mga maharlika ng Italya
Sinundan:
Galeazzo Maria Sforza
Duke ng Milan
1476–1494
Susunod:
Ludovico Sforza