Glandulang pituitaryo
Glandulang pituitaryo | |
---|---|
Mga detalye | |
Latin | hypophysis, glandula pituitaria |
Tagapagpauna | neural at oral ektoderma, kasama ang Supot ni Rathke |
superior hypophyseal artery, infundibular artery, prechiasmal artery, inferior hypophyseal artery, capsular artery, artery of the inferior cavernous sinus[1] | |
Mga pagkakakilanlan | |
Anatomiya ni Gray | p.1275 |
MeSH | A06.407.747 |
Dorlands /Elsevier | Pituitary gland |
TA | A11.1.00.001 |
FMA | 13889 |
Sa anatomiya ng bertebrado, ang glandulang pituitaryo o hipopisis (Ingles: pituitary gland o hypophysis) ay isang glandulang endokrina na kasinglaki ng isang gisantes (pea) at tumitimbang na 0.5 gramo (0.02 oz.) sa mga tao. Ito ay isang protrusiyon sa ilalim ng hipotalamus sa ilalim(base) ng utak at nakahimlay sa isang maliit mabutong kabidad (cavity) na tinatawag na sella turcica at natatakpan ng tiklop na dural na diaphragma sellae. Ang glandulang pituitaryo ay nakadugtong sa tungkulin sa hipotalamus ng eminensiyang medyano sa pamamagitan ng maliit na tubong tinatawag na sangang inpundibular (pituitary stalk). Ang pituitaryong posa kung saan ang glandulang pituitaryo ay nakaupo ay matatagpuan sa butong spenoid sa gitnang kranial posa sa ilalim (base) ng utak. Ang glandulang pituitaryo ay naglalabas ng siyam na mga hormona na nagreregula ng homeostasis.