Homeostasis

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Baryasyon ng temperatura ng katawan habang natutulog, na may hanggananng 37.5 °C mula 10 a.m. hanggang 6 p.m., at bumabaksan sa 36.4 °C mula 2 a.m. hanggang 6 a.m.

Ang Homeostasis ay isang katangian ng isang sistema sa loob ng isang katawan ng isang nabubuhay na organismo na kung saan ang isang baryabulo, tulad na lamang ng konsentrasyon ng isang sabstans sa isang solusyon, ay aktibong nireregula upang mapanatili itong balanse o konstant.[1] Kasama sa mga halimbawa ng homeostasis ay ang regulasyon ng temperatura ng katawan ng isang hayop, ang pH ng likido sa labas ng selula, o ang konsentrasyon ng ionong sodyo (Na+), potasyon (K+) at kalsiyo (Ca2+) kasama na rin ang glucose sa plasma ng dugo, kahit na may pagbabago sa kalikasan ng hayop, o kung ano ang kinain, o kung ano ang ginagawa (halimbawa, pahinga o pageeksersiyo). Bawat isang baryabulo ay kinokontrol ng hiwalay na “homeostat” (o regulator) upang panatilihin ang buhay. Ang Homeostats ay isang pisyolohikal na mekanismo na kumukunsumo ng enerhiya.[2]

Inilarawan noong 1865 ang konseptong ito ng isang Pranses na pisyolohista na si Claude Bernard at nagmula ang terminong ito kay Walter Bradford Cannon noong 1926.[2][3]

Ang terminong "cybernetiko" ay nagagamit sa teknolohikal na sistemang pangkontrol tulad na lamang ng thermostat, na kung saan ang tungkulin nito ay bilang isang "homeostats", subalit kadalasan itong malawakang binibigyang kahulugan kaysa sa biyolohikal na terminong "homeostasis".[4][5][6][7][8] Ang "Homeostasis" ay isang nahihiwalay na biyolohikal na termino, na tumutukoy sa mga konseptong inilarawan nina Bernard at Cannon, na tumutukoy sa konstansiya ng panloob na kalikasan (o milieu intérieur) na kung saan ang mga selula ng katawan ay nabubuhay at upang mabuhay.[1][2][3]

Talababa[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. 1.0 1.1 Zorea, Aharon (2014). Steroids (Health and Medical Issues Today). Westport, CT: Greenwood Press. pp. 10. ISBN 978-1440802997. 
  2. 2.0 2.1 2.2 Cannon, W.B. (1932). The Wisdom of the Body. New York: W. W. Norton. pp. 177–201. 
  3. 3.0 3.1 Cannon, W. B. (1926). "Physiological regulation of normal states: some tentative postulates concerning biological homeostatics". In A. Pettit(ed.) (sa fr). A Charles Richet : ses amis, ses collègues, ses élèves. Paris: Les Éditions Médicales. p. 91. 
  4. Riggs, D.S. (1963). The mathematical Approach to Physiological problems.. Baltimore: Williams & Wilkins. 
  5. Riggs, D.S. (1970). Control theory and physiological feedback mechanisms.. Baltimore: Williams & Wilkins. 
  6. Marieb, Elaine N., Hoehn, Katja N. (2009). Essentials of Human Anatomy & Physiology (9th ed.). San Francisco: Pearson/Benjamin Cummings. ISBN 0321513428. 
  7. Guyton, A.C.; Hall, J.E. (1996). Textbook of medical physiology.. Philadelphia: W.B. Saunders. 
  8. Milsum, J.H. (1966). Biological control systems analysis.. New York: McGraw-Hill. 

Malayuang pagbabasa[baguhin | baguhin ang batayan]

Mga kawing panlabas[baguhin | baguhin ang batayan]

Wiktionary
Tingnan ang Homeostasis sa
Wiktionary, ang malayang talahulugan.