Gloria Estefan

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin

Gloria Estefan (ipinanganak bilang Gloria María Milagrosa Fajardo García; Setyembre 1, 1957) ay isang Cuban-American na mang-aawit, artistang babae, at negosyante. Nagsimula ang kanyang karera bilang lead singer vocalist sa grupo na tinawag na "Miami Latin Boys" na kalaunan ay nakilala bilang "Miami Sound Machine". Nagsimula ang kanyang pambihirang tagumpay noong 1985 sa kantang "Conga" at nakilala sya sa buong mundo.  Ang "Conga" ang nagpanalo sa kanya sa 15th annual Tokyo Music Festival na iginawad sa Japan.  Noong 1988, sumikat at naging number one ang kantang "Anything For You".  Sya ay isang contralto.

Noong 1990, nagkaroon sya ng matinding aksidente sa bus. Bumalik sya noong 1991 at nagkaroon ng world tour at bagong album na Into the Light. Isa sa tatlong Grammy Awards for Best Tropical Latin Album ang Mi Tierra album nya. Ito ay naging number one sa Billboard Top Latin Albums chart. Ito rin ang kauna-unang naging Diamond album sa Spain.

References[baguhin | baguhin ang batayan]