Pumunta sa nilalaman

Golf

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Golf

Ang golf ay isang katumpakang laro na ginagamitan ng pamalo at bola, kung saan ang mga manalalaro ay gumagamit ng maraming uri ng pamalo upang maibuslo ang bola sa butas. Ang manlalaro na may pinaka-kaunting bilang ng pagpalo ay siyang panalo.

Paraan ng paglalaro

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang golp ay walang pamantayang laruan, ang bawat laruan ng golp ay may kanya-kanyang mga disenyo at kaanyuan, subalit ang pangkaraniwang laruan ay mayroong 9 o 18 butas. Ayon sa alituntunin sa paglalaro ng golp, "Nilalaro ang golp sa pamamagitan ng pagpalo ng bola sa lupa o damo papunta sa butas sa ilang sunod-sunod na palo."

Ang panalo ay nasusukat sa pinakamababang bilang ng palo ng isang manlalaro, ito ay tinatawag na "pakontian ng palo" (stroke play) o ang pakontian ng palo sa bawat butas ng isang manlaalro o koponan sa kabuuan ng laban (match play).

Palakasan Ang lathalaing ito na tungkol sa Palakasan ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.