Pumunta sa nilalaman

Hipotesis na grand tack

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Grand tack hypothesis)
Sinasabi na ang planetang Hupiter ang nagporma sa ating sistemang solar sa pamamagitan ng grand tack

Ang hipotesis na grand tack (o grand tack hypothesis) ay ginagamit sa ilalim ng planetaryong astronomiya para malaman kung paano nabuo ang planetang Hupiter gayundin ang pagbuo ng sistemang solar. Ayon sa hipotesis, ang Hupiter ay naglakbay papunta sa kalagitnaan ng ating sistemang solar, at sa isang punto naging malapit ang malaking planeta kung nasaan ang puwesto ng Marte ngayon. Ang paglalakbay ng Hupiter ay nagkaroon ng malaking impluwensya sa loob ng ating solar system, kung saan binabago ng planeta ang kalikasan ng sinturon ng asteryod at ginagawang maliit ang planetang Marte kaysa dati.[1]

Sinasabi rin na nabuo ang planetang Hupiter ng may distansyang 3.5 astronomical units (AU) mula sa araw, at naglakbay papalit ng 1.5 AU, hangga't nagbalik ito ng direksyon dahil sa pagkuha ng planetang Saturno sa isang ugong sa pag-orbita. Ang paglalakbay ng planetang Hupiter ay inihalintulad sa isang naglalakbay na bangka (tacking), kung saan nag-iiba ito ng direksyon dahil sa hangin.[2]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "NASA Astrobiology". astrobiology.nasa.gov (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2023-03-18.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Zubritsky, Elizabeth. "Jupiter's Youthful Travels Redefined Solar System". NASA. Inarkibo mula sa orihinal noong 1 Marso 2017. Nakuha noong 4 Nobyembre 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)