Ipotesis

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Hipotesis)
Jump to navigation Jump to search

Ang huna-huna o ipotesis (mula sa Espanyol na hipotesis; mula sa Ingles na hypothesis kung isahan na nagiging hypotheses kung maramihan, na nagbuhat naman sa Griyegong ὑπόθεσις) ay isang palagay o haka na pinaghahanguan ng katwiran o paliwanag para isang kababalaghan o penomeno.[1] Ang kataga ay hinango magmula sa wikang Griyegong ὑποτιθέναι – hypotithenai na nangangahulugang "ilagay sa ilalim" o "ipagpalagay".[2] Upang maisulong ang isang ipotesis bilang isang ipotesis na makaagham, ang pamamaraang pang-agham ay nangangailangan na ang isang ipotesis ay masusubukan o maipapailalim sa isang pagsusulit. Pangkalahatang ibinabatay ng mga siyentipiko ang pang-agham na ipotesis sa nakaraang mga obserbasyon na hindi maipalawanag na nakakapagpaniwala o hindi makapagpakumbinsi sa pamamagitan ng mga teoriyang pang-agham. Kahit na ang mga salitang ipotesis at teoriya ay kadalasang magkasingkahulugan, ang isang ipotesis na pang-aham ay hindi katulad ng teoriyang pang-agham. Ang isang panggawaing ipotesis ay isang pansamantalang tinatanggap na ipotesis na iminungkahi para sa karagdagan pang pananaliksik.[2]

Sa kaugnay ngunit maibubukod na paggamit, ang katagang ipotesis ay ginagamit sa lohikang pormal para sa nauna sa isang proposisyon; kung kaya't ang panukalang "Kung P, kung gayon ay Q" ay nagpapahiwatig ng ipotesis (o pagkauna o antesedente); ang Q ay maaaring tawagin na bunga o konsikwente. Ang P ay ang pagpapalagay sa loob ng isang (maaaring kontra sa katotohanang) katanungang Paano kaya kung....

Ang pang-uring ipotetiko (pangipotesis o makaipotesis), na nangangahulugang "pagkakaroon ng kalikasan ng isang ipotesis", o "ipinapalagay na umiiral bilang isang agad na bunga o kinalabasan ng isang ipotesis", ay maaaring tumukoy sa anuman sa mga kahulugang ito para sa katagang "ipotesis".

Tingnan din[baguhin | baguhin ang batayan]

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. hypothesis, bansa.org
  2. 2.0 2.1 Hilborn, Ray; Mangel, Marc (1997). The ecological detective: confronting models with data. Princeton University Press. p. 24. ISBN 978-0-691-03497-3. Hinango noong 22 Agosto 2011.