Ipotesis
Ang hinuha, huna-huna o ipotesis (Espanyol: hipótesis; Ingles: hypothesis; kapwa mula sa Griyego: ὑπόθεσις, na nangangahulugang "sumailalim" o "ilagay sa ilalim") ay isang palagay o haka na pinaghahanguan ng katwiran o paliwanag para isang kababalaghan o penomeno.[1] Ang kataga ay hinango magmula sa wikang Griyegong ὑποτιθέναι – hypotithenai na nangangahulugang "ilagay sa ilalim" o "ipagpalagay".[2] Upang maisulong ang isang ipotesis bilang isang ipotesis na makaagham, ang pamamaraang pang-agham ay nangangailangan na ang isang ipotesis ay masusubukan o maipapailalim sa isang pagsusulit. Pangkalahatang ibinabatay ng mga siyentipiko ang pang-agham na ipotesis sa nakaraang mga obserbasyon na hindi maipalawanag na nakakapagpaniwala o hindi makapagpakumbinsi sa pamamagitan ng mga teoriyang pang-agham. Kahit na ang mga salitang ipotesis at teoriya ay kadalasang magkasingkahulugan, ang isang ipotesis na pang-aham ay hindi katulad ng teoriyang pang-agham. Ang isang panggawaing ipotesis ay isang pansamantalang tinatanggap na ipotesis na iminungkahi para sa karagdagan pang pananaliksik.[2]
Sa kaugnay ngunit maibubukod na paggamit, ang katagang ipotesis ay ginagamit sa lohikang pormal para sa nauna sa isang proposisyon; kung kaya't ang panukalang "Kung P, kung gayon ay Q" ay nagpapahiwatig ng ipotesis (o pagkauna o antesedente); ang Q ay maaaring tawagin na bunga o konsikwente. Ang P ay ang pagpapalagay sa loob ng isang (maaaring kontra sa katotohanang) katanungang Paano kaya kung....
Ang pang-uring ipotetiko (pangipotesis o makaipotesis), na nangangahulugang "pagkakaroon ng kalikasan ng isang ipotesis", o "ipinapalagay na umiiral bilang isang agad na bunga o kinalabasan ng isang ipotesis", ay maaaring tumukoy sa anuman sa mga kahulugang ito para sa katagang "ipotesis".
Tingnan din
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ hypothesis Naka-arkibo 2016-03-06 sa Wayback Machine., bansa.org
- ↑ 2.0 2.1 Hilborn, Ray; Mangel, Marc (1997). The ecological detective: confronting models with data. Princeton University Press. p. 24. ISBN 978-0-691-03497-3. Nakuha noong 22 Agosto 2011.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
Ang lathalaing ito na tungkol sa Agham at Pilosopiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.