Pumunta sa nilalaman

Grito de Dolores

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Rebulto ni Miguel Hidalgo y Costilla sa harapan ng simbahan sa Dolores Hidalgo, Guanajuato.

Ang Grito de Dolores ("Sigaw ng Dolores") kilala rin bilang El Grito de la Independencia ("Sigaw ng Kalayaan"), na nangyari sa maliit na bayan ng Dolores, malapit sa Guanajuato, noong Setyembre 16, 1810 ay ang nagpasimula ng digmaan para sa kalayaan ng Mexico. Ito rin ang pinakamahalagang pista opisyal na ginugunita sa Mexico. Ang "Grito" ay ang pagpapahayag ng digmaan para sa kasarinlan ng Mexico ni Miguel Hidalgo y Costilla, isang paring Katoliko Romano.[1]

  1. Kirkwood, Burton (2000). History of Mexico. Westport, CT, USA: Greenwood Publishing Group, Incorporated. ISBN 9780313303517. (sa Ingles)