Pumunta sa nilalaman

Guns N' Roses

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Guns and Roses)
Ang Guns N' Roses noong 2006.
Ang Guns N' Roses noong 2006.

Ang Guns N' Roses ay isang tanyag na Amerikanong bandang tumutugtog na mabigat na rock. Nabuo ang banda sa Los Angeles, California, Estados Unidos. Ang limang orihinal na mga kasapi ng banda ay sina Axl Rose (pangunahing mga tinig), Slash (pangunahing gitarista), Izzy Stradlin (pangritmong gitara, panlikod na mga tinig), Duff McKagan (baho, panlikod na mga tinig), at Steven Adler (mananambol). Pinakakilala sa mga awit ng banda ang Welcome to the Jungle, Paradise City, Sweet Child O'Mine, Patience, Live and Let Die, November Rain, Knockin' on Heaven's Door, Don't Cry, at Civil War.

Naiiba mula sa mga musikang rock na bantog noong dekada ng 1980 ang tugtuging nililikha ng Guns N' Roses sapagkat tumutugtog sila ng mas mabigat na tugtuging rock. Mas malapit ito sa rock na tradisyunal. Dahil dito, maraming mga tagapagtangkilik ng musika ang nagtuon ng pansin sa Guns N' Roses. Nilikha ang Guns N' Roses noong Hunyo 1985 ng mangangantang si W. Axl Rose, ng mga gitaristang sina Tracii Guns at Izzy Stradlin, ng bahistang si Ole Beich at ng tagapagtambol na si Rob Gardner. Dating nakikilala bilang Hollywood Rose ang lumang banda ni W. Axl Rose at dati namang tinatawag na L.A. Guns ang kay Tracii Guns; nang pinagsama nila ang dalawang mga pangalang ito, isinilang ang pangalang Guns N'Roses.


MusikaEstados Unidos Ang lathalaing ito na tungkol sa Musika at Estados Unidos ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.