Pumunta sa nilalaman

Hèctor Hernández Vicens

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Hèctor Hernández Vicens
Kapanganakan
Carles Hèctor Hernández Vicens

(1975-10-02) 2 Oktubre 1975 (edad 49)
NasyonalidadEspanyol
Trabahodirektor ng sine, tagapagsulat (eskritor), screenwriter

Si Hèctor Hernández Vicens (ipinanganak 02 Oktubre 1975) ay isang direktor, screenwriter at tagapagsulat (eskritor) sa Espanya. Binigyang lisensya siya ng Pamantasan ng Kapuluang Balearo (Universidad de las Islas Balearas) sa pilolohiyang Katalan. Kumuha siya ng kursong Hispanic Studies sa Pamantasan ng Sheffield (University of Sheffield).[1]

Naging screenwriter siya sa iba't ibang teleserye katulad ng El Cor de la Ciutat, Kubala, Moreno i Manchón, 39+1, sa mga telepilme katulad ng Pacient 33 o Suite de Nit at nakasama sa pagsulat sa pelikulang Fènix 11:23, sa direksyon ni Joel Joan. Naging screenwriter at letrista siya para sa pambatang seryeng Los Lunnis (TVE) at tagapaglikha at direktor din ng Pol&Cia (TV3).[2]

Nakasama siya sa mga seksyon ng mga artikulo ng kapalagayan at mga kritikong literaryo sa iba't ibang medya. Naging lektor ng editoryal at tagapagsalinwikang pang-editoryal din siya.

Ang kanyang kauna-unahang tampok na pelikulang The Corpse of Anna Fritz (Ang Bangkay ni Anna Fritz), na kaniya rin isinulat at kaniyang binigyang-direksyon, ay unang ipinalabas sa Festival South by Southwest noong 2015 sa Austin, Texas.[3]

Nakapag-limbag din siya ng tatlong nobela sa wikang Katalan, Allunyeu-vos dels professors (Lumayo kayo mula sa mga tagapagturo) noong 1994, Odi noong 1995 at Qui s'apunta a matar la meva mare (Sinong naglalayong pumatay sa aking ina) noong 1997.[4]

  1. "Biografia en "Laboratorio de las letras"". Inarkibo mula sa orihinal noong 2015-02-23. Nakuha noong 2016-02-02.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Ficha en Catalan Films".
  3. "Ficha de "El Cadáver de Anna Fritz" en la web oficial del festival South by Southwest".
  4. "Obras literarias".

Kawing Panlabas

[baguhin | baguhin ang wikitext]