Pumunta sa nilalaman

Alonghaba

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Haba ng daluyong)
Ang alonghaba ng isang along sine na λ ay maaaring masukat sa pagita ng anumang dalawang punto na may parehong yugto(phase) gaya ng crest, trough o pagtawid na sero.

Sa pisika, ang alonghaba (Ingles: wavelength) ng along sinusoidal ang periodong spasyal ng alon o ang distansiya kung saan ang hugis ng alon ay umuulit. Ito ay karaniwang tumutukoy sa distansiya sa pagitan ng magkasunod na magkatugon na mga puntong na may parehong yugto gaya ng crest, trough, o pagtawid na sero. Ito ay katangian din ng parehong naglalakbay na mga alon at nakatatigil na alon gayundin ang mga paternong espasyal na alon. Ang alonghaba ay karaniwang tinutukoy ng letrang Griyego na lambda(λ). Ang konsepto ay maaari ring ilapat sa mga periodikong alon na hindi sinusoidal ang hugis. Ang terminong alonghaba ay minsan ding nilalapat sa moduladong mga alon at sa mga sinusoidal na sobre ng mga moduladong alon o mga along nabubuo ng interperensiya ng ilang mga sinusoid. Ang unit na SI ng alonghaba ang metro.

Kung ipagpapalagay na ang along sinusoidal ay gumagalaw sa isang nakapirmeng bilis ng alon, ang alonghaba ay kabalagigtarang proporsiyonal sa prekwensiya o ang mga along may mas mataas na mga prekwensiya ay may mas maikling mga alonghaba at ang mga may mas maliit na mga prekwensiya ay may mas mahabang mga alonghaba.

Ang halimbawa ng mga tulad ng alon na mga penomena ay kinabibilangan ng tunog alon, liwanag at mga tubig alon. Ang isang tunog na alon ay isang periodikong pagkakaiba sa presyur ng hangin samantalang sa liwanag at iba pang mga elektromagnetikong radiasyon, ang lakas ng field na elektrika at magnetiko ay nagbabago. Ang mga tubig alon ay periodikong pagkakaiba sa taas ng katawan ng tubig. Sa bibrasyong kristal na lattice, ang mga posisyong atomiko ay nagbabago sa parehong posisyon ng lattice at panahon.

Ang alonghaba ang sukat ng distansiya sa pagitan ng repetisyon(pag-uulit) ng tampok ng hugis gaya ng tuktok, lambak, at pagtawid na sero at hindi ng sukat ng kung gaano kalayo ang isang ibinigay na partikulo ay gumagalaw. Halimbawa, sa alon sa ibabaw ng malalim na tubig, ang isang partikulo na nasa tubig ay gumagalaw sa isang bilog ng parehong diametro na tulad sa taas ng alon na walang kaugnayan sa alonghaba.

Pisika Ang lathalaing ito na tungkol sa Pisika ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.