Halal
Ang halal (Arabe: حلال, ḥalāl) ay isang salitang Arabe na may kahulugang "pinapayagan" sa wikang Tagalog. Sa Koran, sinasalungat ang salitang halal sa haram (ipinagbabawal). Ipinalawig itong binaryong oposisyon na maging mas komprehensibong pag-uuri na kilala bilang "ang limang desisyon": sapilitan, inirerekomenda, neutral, kasisisisi at ipinagbabawal.[1] Pinagtatalunan ng mga hukom sa Islam kung sinasaklaw ng salitang halal ang unang dalawa o unang apat ng mga kategoryang ito.[1] Nitong nakaraang mga taon, binibigyang-diin ng mga kilusang Islam na naghahangad na magpakilos ng masa at mga sumusulat para sa pangkalahatang publiko ang mas simpleng pagkakaiba ng halal at haram.[2][3]
Karniwang nag-uugnay ang salitang halal sa mga batas sa pagkain sa Islam at lalo na sa karneng pinoproseso at inihahanda alinsunod sa mga kahilingang iyon.
Talasanggunian[baguhin | baguhin ang wikitext]
- ↑ 1.0 1.1 Vikør, Knut S. (2014). "Ḥalāl". Sa Emad El-Din Shahin (pat.). Sharīʿah. The Oxford Encyclopedia of Islam and Politics (sa wikang Ingles). Oxford University Press. ISBN 978-0-19-530513-5. Nakuha noong 18 Mayo 2017.
- ↑ Ensiklopedya ng Islam (2009). "Halal" [e]. Sa Juan Eduardo Campo (pat.). Encyclopedia of Islam (sa wikang Ingles). Infobase Publishing. pa. 284.
- ↑ Lowry, Joseph E (2006). "Lawful and Unlawful" [Ensiklopedya ng Koran]. Sa Jane Dammen McAuliffe (pat.). Encyclopaedia of the Qurʾān (sa wikang Ingles). Brill. doi:10.1163/1875-3922_q3_EQCOM_00107.