Ang lokal na halalan ay gaganapin sa Lungsod ng Maynila sa 9 Mayo 2016 sa loob ng Pangkalahatang halalan sa Pilipinas. Ihahalal ng mga botante ang mga lokal na tagapagpaganap na opisyal sa lungsod: ang punong-lungsod, pangalawang punong-lungsod, anim na kinatawan, at mga konsehal, anim sa bawat isa sa anim na lehislatibong distrito ng Maynila.
Halalang pang-Punong-Lungsod at pang-Pangalawang Punong-Lungsod
Ang makakakuha ng pinakamaraming boto para sa punong-lungsod at pangalawang punong-lungsod ang mananalo; Ibinoboto sila ng hiwalay kaya maaaring galing sila sa magkaibang partido.