Halik na Pranses
Ang halik-Pranses, halik ng Pranses, o halik na Pranses (Ingles: French kiss, tongue kiss na may kahulugang "halik sa dila" o "paghahalikan sa pamamagitan ng dila") ay isang halik kung saan ang dila ng isang nakikipaghalikan ay dumadampi sa mga labi o dila ng kahalikan, at karaniwang pumapasok sa bibig nito. Sa ganitong pakikipaghalikan, ang maaari ring magkahiwalay ang mga labi at ang dila ay pumapasok sa bibig ng kahalikan.[1] Isang mabagal na masidhing halik ang Pranses na halik at pangkaraniwang itinuturing bilang romantiko, erotiko, o seksuwal. Sa pangkalahatan, ang halik-Pranses ay itinuturing na erotikong halik na nakalaan para sa mga nag-iibigan.
Sa maraming mga bahagi ng mundo, isa itong uri ng paghahalikan na hindi pinapayagan ang publikong pagpapakita ng pagsinta at maaaring ituring bilang bawal o taboo. Kadalasang ginagamit ang halik-Pranses sa mga pelikula upang maipadama ang pagnanais na seksuwal sa pagitan ng mga nagmamahalan.
Etimolohiya
[baguhin | baguhin ang wikitext]Pinaniniwalaan na ang halik na Pranses ay tinatawag sa ganitong pangalan sapagkat noong simula ng ika-20 daantaon, ang mga Pranses ay may reputasyon para sa mas mapagsapalaran at mas pasyonadong mga gawaing pangpagtatalik. Sa Pransiya, tinatawag itong baiser amoureux ("halik ng pag-ibig" o "halik-pag-ibig") o baiser avec la langue ("halik sa pamamagitan ng dila"), kahit na kung noong nakalipas na mga panahon ay tinatawag din itong baiser florentin ("halik na Florentina"). Sa salitang-kantong Pranses, ang halik-Pranses ay tinatawag na patin (sapatos na pang-iskeyting sa yelo) o isang galoche (sapatos na may kahoy na suwelas). Ang pagsasagawa ng halik na Pranses ay tinutukoy na rouler un patin ("pagpapagulong ng iskeyt", na para bang sapatos na pang iskeyting sa yelo) o rouler une pelle ("magpagulong ng isang pala") o s'emballer sa slang.
Tinutukoy ang halik-Pranses sa Private Lindner’s Letters (Mga Liham ni Pribadong Lindner),[2] isang kalipunan ng mga bagay na natipon noong panahon ng Unang Digmaang Pandaigdig at nalathala noong 1939:
Kaya pinagpasyahan kong maging isang lingguwista. Ang pagiging matataas na nakakabasa ng Pranses at masambit ito ng hindi kanais-nais, at makapagsalita ng Aleman na nakakaugnay subalit hindi naman makabasa nito, kinukuha ko ang Luxembourg, na isang kamangha-manghang paghahalo ng dalawa, isang uri ng matalik na ugnayan sa pagitan ng mga dila. (Huwag ikalito mula sa pakikipaghalikang Pranses.)[3]
— Clarence R. Linder
Erotikong halik
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang "halik na may dila" ay nakaaantig o nakakaestimulo ng mga labi, dila, at bibig ng kahalikan, na sensitibo sa paghipo. Ang gawaing ito ay kadalawang itinuturing na isang pinagkukunan ng kasarapan. Ang sonang oral o sona ng bibig ay isa sa mga pangunahin o prinsipal na sonang erohenoso ng katawan, at ang dila ay mas erohenoso kaysa sa mga labi.
Iniulat ng mga mananaliksik na ang halik-Pranses ng maraming mga katambal sa panahon ng adolesensiya ay maaaring makapagpataas ng panganib na pagkakaroon ng meninghitis.[4] Subalit maaaring ito ay dahil sa ang paghalik ay nakapagpapataas ng panganib ng pagkakuha ng mononukleosis, na ang mononukleosis ay may pagkakataong sumulong upang maging meninghitis.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Harmatz, Morton G. at Melinda A. Novak. Glossary, Human Sexuality, Harper & Row Publishers, New York, 1983, pahina 560.
- ↑ Lindner, Clarence R (1939). Gladys Dudley Lindner (pat.). Private Lindner’s Letters: Censored and Uncensored letters, anecdotes, sketches. San Francisco. p. 119. ASIN B00088IC5O. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2012-03-18. Nakuha noong 2011-12-08.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: location missing publisher (link) - ↑ Salin mula sa Ingles na: So I have decided to become a linguist. Being able to read French fluently and speak it wretchedly, and to speak German connectively but not to read it at all, I am taking up Luxembourg, which is a wonderful blend of the two, a sort of liaison between tongues. (Not to be confused with French kissing.)
- ↑ "Kissing many 'risks meningitis'". BBC News. 10 Pebrero 2006. Nakuha noong 5 Hulyo 2011.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)