Hard hat

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Jump to navigation Jump to search

Ang hard hat o matigas na sombrero o sombrerong pamproteksyon ay isang uri ng salakot na ginagamit sa mga lugar na pinagtatrabahuhan gaya ng industriya o konstruksiyon upang mapangalagaan ang ulo mula sa pinsala dahil sa mga nahuhulog na mga bagay- bagay, ulan, at biglaang pagkakuryente. Ang mga suspension band sa loob ng salakot ay kinakalat ang bigat ng salakot at ang lakas ng kung anumang mahuhulog sa tuktok ng ulo. Ang suspension ay nagbibigay din ng puwang na tinatayang 30 mm (1.2 pulgada) sa pagitan ng panlabas na bahagi ng salakot at ng ulo ng magsusuot nito, kaya kung mayroon mang bagay na tumama rito, ang lakas ng pagsalpok nito ay hindi direktong malilipat sa bungo. Mayroong ibang salakot na may dagdag na pagpapatibay sa bandang gitna ng galugod upang mas mabawasan pa ang lakas ng maaaring tumama rito. 

Ang mga kulay ng hard hat ay maaaring nagpapahiwatig ng iba’t ibang tungkulin sa lugar ng konstruksiyon. Ang mga kulay na natatalaga ay magkakaiba sa bawat kompanya at lugar ng pagtatrabahuhan. Ang mga ahensya ng gobyerno gaya ng U.S. Navy at DOT ay may sariling hardhat at kulay nito na maaaring gamitin ng mga subkontraktor. Sa malalaking panukala kasama ang maraming kompanya, ang mga trabahador ng parehas na kompanya ay may parehong kulay ng sombrero.

Isa sa pinakakaraniwang kulay ay puti na para sa mga tagapamahala, agsikap, tagapag-alaga, at tagapangasiwa. Ang ibang istilo ng hard hat ay kinakailangan din para sa iba’t ibang uri ng trabaho; ang kayumangging fiberglass na hard hat ay sinsuot ng mga manghihinang at iba pang trabahador na gumagamit ng maiinit na kagamitan. Ang luntian naman ay madalas nakatakda sa tagasuri ng kaligtasan, ngunit paminsan-minsan ay para sa mga bagong trabahador. Ang mga pangkalahatang trabahador at tagapamahala sa kalupaan ay nagsusuot ng dilaw. Ang mga karpintero at tagapagpayong teknikal ay nagsusuot ng bughaw. Kahel naman ang madalas suotin ng mga tripulante ng mga kalsada, bagong trabahador, at mga bisita. Ilang mga kompanya ay nag aalok ng kulay rosas na hard hat sa mga nakakalimot dalhin ang kanilang sariling sombrero.